UAAP BMD inirekomendang patawan ng parusa ang UST Tigers

UAAP BMD inirekomendang patawan ng parusa ang UST Tigers

MANILA – Inilatag na ng UAAP Board of Managing Directors (BMD) ang posibleng sanksyon na igagawad sa UST Growling Tigers matapos ang umano'y isinagawang training bubble sa Capuy, Sorsogon sa kabila ng pandemya.

Napagkasunduan ang igagawad na kaparusahan matapos ang mahabang diskusyon sa isinagawang board meeting noong Huwebes.

Gayunpaman, hindi pa isinawalat ng BMD kung anong parusa ang ibibigay.

"The UAAP understands the gravity of the matter as it concerns the safety and well-being of student-athletes of a member-school. Out of respect to the member-school concerned and the decision-making process of the BOT (Board of Trustees), recommendations of the BMD cannot be made public at the moment," lahad ng board .

Nilinaw din ng grupo na ang sanksyon ay isang rekomendasyon at ang BOT pa rin ang may huling desisyon sa isyu.

Ang UAAP BOT, na kinabibilangan ng presidents ng walong member-schools, ay inaasahang magpupulong sa lalong madaling panahon para pagdebatehan ang naturang rekomendasyon para sa final approval.

Salig na bilang amateur, ang Growling Tigers, na hindi pinapayagang mag-practice sa gitna ng pandemya, ay gumawa ng hakbang sa umano'y bubble na isang paglabag sa quarantine protocols ng pamahalaan.