Huling tiket dinagit ng Ateneo vs UE, 65-51

Huling tiket dinagit ng Ateneo vs UE, 65-51

Huling tiket dinagit ng Ateneo vs UE, 65-51

Dinagit ng Ateneo de Manila University ang huling tiket sa UAAP Season 85 Women's Basketball Tournament matapos talunin ang University of the East, 65-51, Miyerkules sa Quadricentennial Pavillion sa Manila.
 
Ito ang unang pagkakataon na nagawa ng Blue Eagles ang post-season mula noong Season 78 kung saan nakapasok sila sa Finals bago yumuko sa National University sa pamamagitan ng isang sweep.
 
Umakyat sa 7-6 ang Ateneo at hindi na kayang abutin ng University of the Philippines (5-8) sa standings.
 
"Sobrang happy. We're a program in its infancy stage, getting sila Kaycee [Dela Rosa], Ylyssa Eufemiano], sila Sarah [Makajuola]. It's a pretty new team -- wala na sila[Melissa] Newsome, sila Trina [Gutingco], sila [Hazel] Yam. It was one of our goals -- to make the Final Four even we're a young team after man, Danica Jose et al. In a way a little small history para sa mga girls natin today," litanya ni first-year Blue Eagles head coach LA Mumar, na pinalitan si  Kat Quimpo noong 2020.
 
 
Nangibabaw ang Ateneo sa magkabilang dulo sa unang kalahati, rumemate  ng 15-of-30 mula sa field para mailatag ang 42-20 lead.
 
Si Eufemiano, isang rookie mula sa Our Lady of Fatima University, ay umiskor ng 16 sa kanyang 23 puntos sa unang 20 minuto ng aksiyon. Nagtapos din siya ng 10 rebounds.
 
Standings:
NU 12-1*
DLSU 11-2*
UST 10-3*
Ateneo 7-6*
UP 5-8
AdU 4-8-p
FEU 2-10-p
UE 0-13
 
Nakaungos ang Ateneo  hanggang sa 26 puntos sa ikatlong frame, na nagbigay kay Mumar ng ginhawa  para paglaruin ang kanyang ikatlong stringers sa huling saknong.
(Louis Pangilinan/ UAAP) 
 
Iskor:
 
Ateneo 65 - Eufemiano 23, Dela Rosa 17, Joson 13, Calago 4, Villacruz 3, Miranda 2, Nieves 2, Cruza 1, Penaranda 0, Fetalvero 0, Makanjuola 0, Perez 0, Angala 0.
 
UE 51 - Terrinal 15, Kone 9, Paule 9, Sajol 6, Lorena 5, Caraig 3, Nama 2, Silva 2, Gervacio 0, Tinio 0, Zamudio 0.
 
Quarters: 22-12, 42-20, 64-38, 65-51.