Hinila pa ng Ateneo de Manila University ang kanilang winning run sa apat na asignatura, at takasan ang Adamson University, 76-72, sa UAAP Season 85 women's basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum, Sabado.
Dapa ng walo, ang trio nina Victoria Adeshina, Cris Padilla, at. Rose Ann Dampios ang humila sa Lady Falcons sa dalawang bentahe, 72-74, may 43.5 seconds sa ball game.
Makaraang mabigo ang Blue Eagles makabira sa kabila, tumutok ng panibago ang Adamson kay Adeshina pero mintis ang kanyang jumper may 10 seconds pa kung saan winalwal ni Jhazmin Joson ang laro mula sa linya para sa Ateneo.
"We're very thankful we were able to survive Adamson. Again, we're a young team, we're still learning," saad ni Blue Eagles coach LA Mumar.
Bumalik si prized rookie Kacey Dela Rosa matapos 'di nakapaglaro ng dalawang iskedyul sanhi ng karamdaman, ay tumipa ng halimaw na double-double 23 points at 23 rebounds at dalawang supalpal.
Umigpaw si Villacruz sa fourth bitbit ang 11 sa kanyang 21 points habang nagdagdag si Junize Calago ng siyam na puntos.
Pinagtibay ng Blue Eagles ang kanilang kapit sa fourth spot sa 5-3, 1.5 games angat sa pinakamalapit na taga-usig na University of the Philippines.
"We're getting better. We're gonna shoot for that Final Four slot. We're gonna fight and we're gonna claw our way," ani pa Mumar.
Sa kabilang banda, ang Lady Falcons ay laglag naman sa 2-6, pero napanatili ang pang-anim na puwesto. (Louis Pangilinan /UAAP)
Iskor:
Ateneo 76 -- Dela Rosa 23, Villacruz 21, Calago 9, Joson 8, Eufemiano 5, Miranda 4, Makanjoula 4, Nieves 2, Cruza 0.
Adamson 72 -- Adeshina 27, Dampios 17, Agojo 10, Flor 6, De la Cruz 2, Etang 2, Ornopia 0, Alaba 0, Catulong 0, Carcallas 0, Tano 0.
Quarters: 17-9, 39-27, 56-49, 76-72.