Lady Archers umeskapo vs Growling Tigresses, 67-60

Lady Archers umeskapo vs Growling Tigresses, 67-60

Lady Archers umeskapo vs Growling Tigresses, 67-60

Umeskapo ang De La Salle University sa tangkang makabangon ng  University of Santo Tomas para masapol ang  67-60 panalo sa simula ng  second round sa UAAP Season 85 Women’s Basketball Tournament Sabado sa  Smart Araneta Coliseum sa Kyusi. 
 
Ungos sa  45-29 mula sa  basket ni Jeehan Ahmed may  8:18 mark sa third quarter, nasilip ng  Lady Archers na numipis ang kanilang bentahe  59-58 may  2:21 ang nalalabi sa laro matapos ang isang play ni Growling Tigresses’ Rocel Dionisio.
 
Gayunman,  naipasada ng La Salle ang   9-2 run na sinindihan ng basket ni Fina Niantcho Tchuido para selyuhan ang panalo. 
 
Umangat ang La Salle sa kartadang  6-2 record para sa third place buhat sa talikurang panalo habang nadulas ang UST sa kaparehong baraha makaraang mapingas ang kanilang four-game winning streak. Nanatiling nasa ikalawang puwesto ang Growling Tigresses sa bisa ng kanilang 71-57 win kontra Lady Archers sa unang  round.
 
“We need to bounce back from our first round loss,” sambit ni Lady Archers coach Cholo Villanueva.
 
“We corrected our mistakes. We needed to really want it this time around to get that win from UST. UST is the number two team so you need to play a near-perfect game to beat them," patuloy niya. 
 
Pinamunuan ni Joehanna Arciga ang  La Salle sipat ang 14 points, six rebounds, five assists, at tatlong  steals. Si Lee Sario ay may 11 points habang si Niantcho Tchuido ay may palusot na double-double sa pagkima ng siyam na puntos at 16 rebounds.
 
Naghatag din ng malaki ang bulto ng  Lady Archers’ bench sa pagbatak ng 36 points kontra Growling Tigresses’ 21. Hugot din ang La Salle  ng 27 offensive rebounds versus UST’s 16. (Louis Pangilinan/UAAP)
 
 
Iskor:
 
La Salle (67) - Arciga 14, Sario 11, Niantcho Tchuido 9, Torres 6, Ahmed 6, De La Paz 6, Binaohan 5, Jimenez 3, Espinas 3, Dalisay 2, Camba 2.
 
UST (60) - Dionisio 17, Soriano 10, Bron 7, Ambos 6, Tacatac 5, Santos 5, Villasin 5, Danganan 3, Serrano 2, Pangilinan 0, Villapando 0.
 
Quarters: 22-15, 40-29, 53-43, 67-60.