Positibong diyalogo ng UAAP officials kay PSC chairman Noli Eala

Positibong diyalogo ng UAAP officials kay PSC chairman Noli Eala

Positibong diyalogo ng UAAP officials kay PSC chairman Noli Eala

Positibong diyalogo ng UAAP officials kay PSC chairman Noli Eala

Muling siniguro ni Philippine Sports Commission chairman Noli Eala na buo ang suporta ng kanyang organisasyon para sa UAAP kaugnay ng isinagawang pagpupulong nina league Executive Director Atty. Rebo Saguisag at Season 85 President Fr. Aldrin Suan, CM, sa isang courtesy call, noong Huwebes sa PSC Chairman's Office sa Malate, Manila.

Nagpahayag ng suporta si Eala sa liga kaakibat ang buo nitong kalendaryo para sa nalalapit na season.

"I'm excited. Ang tagal na nating na-miss ang UAAP with all the drums," sambit ni Eala, na siya man ay nag-aral sa isanl sa miyembro unibersidad, Ateneo de Manila University, kubg saan kumuha siya ng kursong abogasiya.

"(Last season), I watched the last few games of Ateneo, the last few games of La Salle, and the Final Four. I just haven't watched the championship kasi I was out of town." wika ni Eala. "I'm very happy to support the UAAP. I don't know how, but in our facilities, of course, are always welcome to help you. Wala naman 'yun, that's not a problem,"

Gamit ng UAAP ang maraming pasilidad ng PSC sa mga event nito sa mahabang panahon.

Kabilang sa nga pasilidad ay ang PhilSports Track and Field Oval sa Pasig para sa athletics, Rizal Memorial Stadium para sa football, at ang kanilang renobasyon, Rizal Memorial Swimming Complex, Rizal Memorial Badminton Hall, Rizal Memorial Tennis Complex, at Ninoy Aquino Stadium.

Punong abala din sa basketball at ang volleyball events sa Rizal Memorial Coliseum bagupaman ang paggamit sa maa malaking venues gaya ng Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena.

Kumpirmaso ng UAAP ang playing date sa Philsports Arena noong October 5, na inilinya ang unang men's basketball quadruple-header nh season kasama ang ilan pang mga petsa na naghihintay na maipinalisa. Gayunman, umaasa din si Fr. Suan, na magamit sa takdang oras ang venue para sa volleyball tournament sa suaunod na taon.

"I will them (Sports Facilities Division). Sasabihin ko na kaagad na sa inyo na yung weekends ng volleyball," tugon ni Eala sa kahilingan mula sa UAAP.

Nagalak naman si Saguisag sa naging positibong pulong.

"Natuwa lang ako na what was supposed to be a simple courtesy call turned out to be a sharing of thoughts -- just listening to the chairman really talk about sports, na parang tumaba ang utak ko," pahayag ni Atty. Saguisag .

"Siyempre nakakatuwa 'yung expression of support, but then again, more than that is 'yung just sitting there, listening to him, and just like picking his brain automatically. It took us almost two hours. And that's what happens when you share a passion with someone. I'm happy kasi regardless of what we agreed in principle today, 'yung communication lines are open. Whether we settled it here or not yet, at least alam ko na at alam niya, na we're just a text away." aniya pa.