Kyle at Nikko Paranada kumander ng Red Warriors, ginapi ang Green Archers, 81-72

Kyle at Nikko Paranada kumander ng Red Warriors, ginapi ang Green Archers, 81-72

Sanib-puwera ang mag-utol na Kyle at Nikko Paranada para buhatin sa tagumpay ang University of the East laban sa De La Salle University, 81-72, sa UAAP Season 85 men's basketball tournament, Miyerkules sa SM Mall of Asia Arena.

Ungos ang Green Archers sa 67-59 nang nagsiklab si Kyle sa bisa ng umaalimpuyong walong magkakasunod na puntos para itabla ang iskor, may 4:17 ang nalalabi.

Buhat dito hindi na nagpaawat ang Red Warriors at patuloy na nanagasa sa kanilang 22-5 ratsada, saliw ang ang acrobatic and-one ni Kyle may 34.9 seconds na lang diretso sa pinaleng 81-72 panagpo.

"Especially yung first game natin nanalo ang NU sa UP so nainspire 'yung mga bata. Sabihin nating upset 'yung first game so ginawa namin lahat ng magagawa namin para matalo
yung La Salle," sambit ni UE coach Jack Santiago, kung saan banggit din ang matagal na panahon buhat nang kanilang ginapi ang La Salle, na huling natipan noong September 14, 2019.

Napitas ni Kyle ang 20 points, six assists, three rebounds, at three steals, habang may 18 puntos si Nikko.

Hatag din ai Luis Villegas ng 16 points at 10 rebounds, habang nagdagdag si Gani Stevens ng walong puntos, walong rebounds, at apat na steals.

Naitala ng Red Warriors ang 2-2 karta, para umusad sa 4-way tie para sa ikaapat na puwesto kasama ng Green Archers.

 

Iskor:

UE 81 -- K. Paranada 20, N. Paranada 18, Villegas 16, Stevens 8, Payawal 7, Sawat 5, Alcantara 3, Guevarra 2, Abatayo 2, Antiporda 0, Beltran 0, Remogat 0.

La Salle 74 -- Winston 26, Quiambao 15, Estacio 7, Austria 6, Cortez 6, B. Phillips 5, Abadam 4, M. Phillips 3, Nwankwo 2, Manuel 0, Macalalag 0.

Quarters: 16-16, 34-36, 51-56, 81-74.