Baseball PH sisigla sa 30th SEA GAMES

Baseball PH sisigla sa 30th SEA GAMES

 
  • TOPS
 
Kumpiyansa ang Philippine Amateur Baseball Association (PABA) na muling maibabalik ang sigla ng baseball sa buong bansa.
        At ito ay magsisimula sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games (SEAG),  na kung saan makatitiyak ng gold medal ang bansa sa men's baseball.
     Ito ang paniguro nina PABA vice president Rod Tingzon Jr. at secretary-general Pepe Muñoz sa kanilang pagdalo sa 46th "Usapang Sports" ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.
      Kasama sina coaches Orlando Binarao at Edgar de los Reyes at players Erwin Bocato at Jennald Pareja at Esmeealda Tatag at Wenchie Bacarusas, buong pagmamalaking ipinahayag ng dalawang high-ranking PABA officials ang kanilang kahandaan na makipagtagisan ng galing sa iba pang mga SEA countries sa baseball,  na gaganapin sa New Clark City mula Nobyermbre 30-Disyembre 11.
       "Naniniwala kami sa PABA, sa pangunguna ni president Chito Loyzaga, na tayo ang mananalo ng gold sa men's baseball sa darating SEA Games. Sigurado na yan," paglalahad ni Tingson sa weekly sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.
      Ang kumpinyansang ito ng dalawang PABA officials ay bunsod na din ng nakalipas na mga nakalipas  na pabalo sa bansa sa men's baseball.
      "Yun mga makakalaban natin sa SEA Games, tinalo na natin dati bagamat walang baseball sa huling tatlong edisyon ng SEAG dahil hindi naisama ng host country,"  saad ni Binarao.
     Inanusyo naman ni Munoz na may ilang Filipino-foreigners ay nagnanais na makasama sa national baseball team.
      'One of them is a very talented Fil-Dutch player, who already expressed interest to join the national team. Kaya lang hindi na siguro aabot sa SEA Games dahil buo na yun national team at dadaan din sa tryouts fata ng iba,"  paliwanag ni Munoz.
      Samantala, buo din ang pag-asa nina Munoz at Delos Reyes na sisikat din ang women's baseball kahit pa hindi ito nakasama sa darating na SEA Games.
      'We have a lot of good female players around from different Metro Manila schools. Some of them also played for the RP Blu Girls," dugtong pa ni Munoz,  na isa ding magaling na coach.PR