Piglas ni Durham enerhiya ng Bolts  para tumabla kontra KaTropa

Piglas ni Durham enerhiya ng Bolts  para tumabla kontra KaTropa

  • PBA
Ang pagpupumiglas ni  Allen Durham ang nagsilbing pangbatak sa pagtipa ng triple-double para kabigin ng Bolts ang 114-94 panalo laban sa namutlang  TNT KaTropa Martes para itabla ang kanilang PBA Governors Cup semifinal series sa tmSmart Araneta Coliseum.
Ipinamalas ang higit na samahan at kanilang lagkit sa depensa, ginamit ng Meralco ang naiibang atake sa unang yugto at nasustena ang halos parte ng giyera kung saan ginutay ang higit sa  35-point lead.
 
Sa huli,  kinumpleto ng Bolts ang magarbong resbak buhat sa 94-103 kabiguan,  Linggo para ipantay ang kanilang best-of-five series na may tig isang panalo talo.
 
Ang matinding resbak ay dinuplika naman sa paglango ng Barangay Ginebra laban sa NorthPort.
 
"We had a lot more energy, we played a lot more physical than we did in Game 1, and we executed a lot better on offense, particularly in the first half. Those are the things you're gonna have to do to beat a team like TNT because they're a tough team and very difficult to beat," ani Black.
 
"It's not over at this point, just the second game," pag iingat din ni Black. "But we had to win this game to tie the series up. We knew if we went down 2-0 it would be very tough to come back from that."
 
Pinapak ni Durham ang determinadong  44 points, 19 rebounds at 11 assists habang timplado ang laban tungo da panalo sa pagpitas ng 21 points, 13 rebounds at five dimes sa unang bahagi.
 
Nabalewala lang ang game high 51 points ni tKJ McDaniels  kung daan su Bobby Ray Parks ang natatanging isa pang  KaTropa na nagawang  magsumite ng doble pigurang 12 points.( Louis Pangilinan)