Buhay pa ang Lady Archers!

Buhay pa ang Lady Archers!

Ni Louis Pangilinan 
 
Nanatiling kumikikig pa ang La Salle sa UAAP Season 82 Women's Basketball Tournament, nang tusukin ang  University of the Philippines, 73-49, Linggo sa Ynares Center, Antipolo City. 
Namuno si Lee Sario sa Lady Archers na pumalaso ng 13 points at 4 rebounds, habang si Kent Pastrana ay nagdagdag ng 11 points, 2  boards, at 2  steals sa panalo para iangat ang kanilang standing sa 7-6.
 
Pero hindi naging madali ang panalo para sa  La Salle kung saan matamlay sa kaagahan matapos akuin ng UP  ang 11-2 opener.
 
"It's our own demons," sambit ni coach Cholo Villanueva. "If we don't do the right habits and not have the right mindset, disastrous things can happen. Good thing is that they turned things around."
 
Rumesponde ang Lady Archers sa bisa ng 13-0 pasabog para agawin ang  15-11 lead bago utay utay na iniwanan ang  Lady Maroons.
 
Sa sumunod na tagpo binasag ng La Salle ang pagbaha ng puntos, sa pag asalto ng 28-9 sa third quarter at lasapin ang 30-point lead, 62-32 sa huling kanto. 
 
Naghatag si Nigerian center Maureen Okoli ng 10 points, nine rebounds, at two assists para sa Lady Archers, habang si Charmaine Torres ay may 10 points, seven steals, six dimes, at five boards.
 
Ang panalo ang nagpanday sa  La Salle para sa crucial win-or-go home duel laban sa Adamson sa Miyerkoles kung saan target ang huling hirit na makasampa sa Final Four.
 
"We worked so hard to get this opportunity that we are one win away from one of our goals," ani Villanueva. "It will boil down to this one game. We need to give all that we got for this game."
 
Dinala ni Pat Pesquera ang Lady Maroons (1-12) na may 19 points at 11 rebounds sa kanilang kabiguan.
 
Iskor:
 
DLSU 73 -- Sario 13, Pastrana 11, Okoli 10, Torres 10, Dalisay 8, Revillosa 8, Quingco 4, Espinas 3, Jimenez 2, Malarde 2, Paraiso 2, Binaohan 0, Castillo 0, Jajurie 0.
 
UP 49 -- Pesquera 19, Sanchez 11, Ordoveza 6, Hidalgo 5, Rivera 4, Gusilatar 3, Gonzales 1, De Leon 0, Lebico 0, Lucman 0, Taulava 0.