Fighting Maroons may tiket sa "F4"

Fighting Maroons may tiket sa "F4"

Fighting Maroons may tiket sa "F4"

 

ni Louis Pangilinan

Kinando ng University of the Philippines ang isang  playoff  para sa  Final Four sa pag-iskapo ng 80-77 panalo kontra  National University sa UAAP Season 82 men's basketball tournament Miyerkoles sa  Smart Araneta Coliseum.



Gising na gising sa ikalawang parte ng hidwaan si Jun Manzo sa pagpaulan ng 12 sa kanyang 14 points at pamunuan ang  Fighting Maroons sa  back-to-back victories, tungo sa pagtabas ng kanilang 8-4 baraha.

Matutuldukan ng UP ang  semifinals spot  alinman sa  FEU,  na kaharap ang Adamson habang isinusulat ito , o kaya’y  La Salle, na sasagupain ang UST  sa huli ,  matalo ang kanilang respektibong laro.

"The expectations are a little higher than that. Parang dapat lang na nandoon tayo," ani  coach Bo Perasol. "But we have to count our blessings. We can’t go to the highest point of the competition if we can’t get to the next level."

Tumipa si Kobe Paras ng 19 points, six assists, four rebounds, at isang block, sa kanyang  three-pointer may   3:02 ang nalalabi  para itulak ang  Fighting Maroons na makaungos, 77-70.

Ngunit nagawang kumayod ng  Bulldogs para putulin an gang angat sa dalawa, 77-75,  at may tsansa maitabola ang  laban  kung na naikabit lang ni  John Lloyd Clemente ang kanyang  left wing jumper. Pero mintis ang  tira, na naging daan kay  Manzo sa  3-of-4 sa linya may  13 seconds  na lang.

Nanatiling dapa sa 2-10 card ang NU.

Iskor:

UP 80 -- Paras 19, Akhuetie 16, Manzo 14, Ju. Gomez de Liano 11, Rivero 8, Webb 5, Ja. Gomez de Liano 4, Prado 3, Gozum 0, Jaboneta 0, Murrell 0, Tungcab 0.

NU 77 -- D. Ildefonso 24, Gallego 20, Oczon 12, S. Ildefonso 10, Gaye 6, Joson 2, Minerva 2, Galinato 1, Clemente 0, Diputado 0, Malonzo 0, Mangayao 0, Rangel 0, Yu 0.

Quarterscores: 13-11, 32-25, 56-51, 80-77. (Louis Pangilinan)