Pogoy move on na para sa Gilas!

Pogoy move on na para sa Gilas!

Pogoy move on na para sa Gilas!

Pogoy move on na para sa Gilas!

Ang nakapanlulumong kabiguan sa kampeonato ng PBA Commissioner's Cup ay isang alaala na lamang.

Tutok ngayon si TNT KaTropa guard Roger Pogoy para sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup.

Naka-move on na, sinabi ni Pogoy na wala siyang ibang iniisip ay kundi ang makatulong sa pambansang tropa sa abot ng kanyang makakaya sa kampanya nito sa August 31 hanggang Sept. 15 meet sa China.



"Nakapahinga naman," sambit ni Pogoy, kung saan personal na bumisita ang kanyang pamilya sa Maynila mula Cebu para kahit papaano'y maibsan ang pighating dulot ng katatapos na best-of-seven title series kontra San Miguel Beer.

Aniya pa hindi pisikal kundi sa mental na aspeto na matagal siyang maka-adjust.



"Nakakapagod kasi mentally, hindi naman physically. Mentally talaga yung nakakapagod, ang dami mo kasing iniisip," wika niya.

Dalawang magkasunod na araw nang dumalo sa ensayo ang 27-anyos na Cebuano sa Meralco gym, kung saan nag traun siya ng 30 ekstra minuto kasama ang kapuwa latecomers na sina June Mar Fajardo at Troy Rosario para tulungan silang masariwa ang pagtakda at paglatag ng istratehiya ng national team. (Louis Pangilinan)