TNT naisahan ng San Miguel, isa na lang!

TNT naisahan ng San Miguel, isa na lang!

TNT naisahan ng San Miguel, isa na lang!

TNT naisahan ng San Miguel, isa na lang!

Laro ngayon
(Big Dome)
Game 6
7:00pm - TNT vs SMB
Naging usap usapan sa buong serye si Terrence Jones, pero sa huli magarbong umatake naman ang counterpart niyang si Chris McCullough.

Ipinutok ni McCullough ang 19 sa kanyang 35 points sa huling kanto at personal na binitbit ang San Miguel buhat sa 16 puntos pagkakabaon diretso sa 99-94 panalo para agawin ang krusyal na 3-2 lead sa PBA Commissioner's Cup best-of-seven finale Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang suwabeng SMB import ay tinokhang ang go-ahead basket, 95-94, sa kanyang astig na drive buhat sa pulutong ng KaTropa defenders at sa huli'y hinablot ang umuusok na come-from-behind win na kinatigan ng dalawang freebies may 13.3 tikatik na lang.

Umasa ang KaTropa kay Troy Rosario para sa kanilang tangkang makasalba ng esktrang oras. Kapos ang 3-point try ni Rosario bago nakuha ni Chris Ross ang posesyon para sa tuluyang pagdiwang ng Beermen at kanilang supporters at umaasang mahablot ngayon ang korona sa G6 ng midseason tourney.

Sisipatin ng Beermen ang kanilang tangka sa Game Six mamayang 7 p.m. dito rin sa SAC.

"Let's play good basketball and go to win the championship," ani McCullough.

Depinido ang paglalaro ng Beermen sa huling 9 minuto ng aksiyon para ibaldosa ang 16-point deficit, 69-85. Ganado si McCullough sa sandaling ito.

"Playing defense helped us. We did it one stop at a time," ani McCullough, na naging matinik sa nagkabilang dulo da pinasabog na 35 points sa 13-of-28 field clip at 8-of-9 charities at karagdagang 22 rebounds, four assists, 3 blocks at isang steal kontra 7 turnovers.

Dominante si Jones hanggang sa unang tatlong yugto na nagmando sa KaTropa ba maitawid ang impresibong paglalaro.

Gayunman ilang crucial turnovers at mintis ni Jones sa huli ang nagpalaylay sa tropa at nasayang lang ang kanyang halos triple-double effort na 35 markers, 17 boards at 8 assists plus 4 blocks at 2 agaw.

Kailanfan ngayon ni Jones at kanyang katropa na maipanalo ang dalawang natitirang laro para pigilan ang target na grand slam ng San Miguel. ( Louis Pangilinan)