KHAN pangarap makasagupa si Pacquiao

KHAN pangarap makasagupa si Pacquiao

KHAN pangarap makasagupa si Pacquiao

Ni Louis Pangilinan

Umaasa si Amir Khan na makakaharap niya si countryman Manny Pacquiao bago matapos ang taong 2019 o kaya'y sa kaagahan na ng 2020.Nakatakdang umakyat sa lona si Khan sa July 12, para sagupain si Neeraj Goyat sa King Abdullah Sports City, Jeddah, Saudi Arabia.

Balik-lona din si Pacquiao, isang linggo ang makalipas, sa pagsabak kontra WBA welterweight champion Keith Thurman sa MGM Grand sa Las Vegas.

Nauna nang nagkasundo si Pacquiao at Khan na magharap noong 2017, pero naudlot ang laban nang ang investors sa naturang event ay hindi nakapagpundar na magkaroon ng sapat na pondo para matuloy ang bakbakan.

Napunta ang laban ni Pacman kay Australian fighter Jeff Horn, sa sagupaang dinanas ng Pambansang Kamao ang isang controversial upset decision.At si Khan ay namahinga naman sa ring hanggang 2018, matapos sumailalim sa surgery para iwasto ang isyu nito sa kamay.Sa isang pagkakataon, naging mag sparring partner sina Pacquiao at Khan nang ang kapwa boksingero ay nag eensayo sa Hall of Fame coach Freddie Roach.

Umalis si Khan sa stable ni Roach nung 2012, at mapunta kay Virgil Hunter.

Sakaling magkaroon ng tsansang makalaban si Pacquiao, gustont dalhin ni Khan ang laban sa Middle East."End of this year, early next year, I want to make a big name world title challenge and there’s a strong possibility it could be here in Saudi Arabia against Pacquiao,’ claims Khan who will be coached for the first time by ex-WBA super-bantam boss Clarence ‘Bones’ Adams and Alex Ariza," wika ni Khan.

"Hopefully, Manny beats up Keith Thurman the week after my fight and we’ll see what happens. A fight between us would set-up boxing in the Middle East forever and lead to multiple championship fights taking place in the region. I intend being at the forefront." ( Louis Pangilinan)