Saktong nailatag ng Rain or Shine ang kanilang istratehiya para ipinta ang 85-72 panalo kontra Meralco, Sabado ay ipinatili ang walang mantsang karta sa PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Nagpasikat si CJ Perez para sa San Miguel Beer tungo sa pagpalubog kontra NLEX, 110-93 panalo Biyernes ng gabi sa 46th PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena, Siyudad ng Pasig.
Naitala ng Meralco Bolts, ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa 2021 PBA Philippine Cup, nang ratratin ang San Miguel, 93-87, Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig kahit pa bumalik na ang higanteng si June Mar Fajardo at Terrence Romeo at buenamanong laro ni CJ Perez sa Beermen.
Pinakaba pa ang Barangay Ginebra Kings sa huling yugto laban sa pilyong Blackwater at makaresbak mula sa 75-94 pagkatalo sa NLEX sa defending champion unang laro, Linggo.
Sa bagong mandato ni coach Chris Gavina, maaga ang isinagawang pananalasa ng Rain or Shine para ilista ang ikalawang sunod na panalo kontra Blackwater, 71-62, sa PBA Season 46 Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig, Linggo.
Pumukol si Ian Sangalang ng 26 points, kabilang na ang pinagpalang marginal basket, para itakas ng Magnolia ang makalaglag-silyang 84-82 panalo kontra Alaska at gawing makasosyo sa liderato sa nagpapatuloy na 46th PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Siyudad ng Pasig.
Nagawang rumesbak ng Northport sa ibang taktika at wasakin ng Batang Pier ang arsenal ng Phoenix Super LPG, 115-79, Miyerkules sa PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Siyudad ng Pasig.
Tuluyang hinimas ang dinanas na partial ACL tear na nagpagarahe sa kanya sa nakaraang taong Philippine Cup bubble, kumarga si Robert Bolick ng 20 points at 11 assists tungo sa pag- ahon ng NorthPort buhat sa 63-85 kabiguan kontra Meralco noong opening day, Biyernes.
Target ng twice-to-beat TNT at Meralco ang mailuklok ang kanilang tropa sa semifinals laban sa mga koponang asam na makapuslit sa kanilang kampanya Miyerkules sa PBA Philippine Cup quarterfinals sa Don Honorio Ventura State University, Bacolor, Pampanga.