Bumalik sa kanilang sariling wisyo ang Rin or Shine para ipinta ang 83-77 win laban sa Terrafirma, Linggo sa PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Determinadong nakaigpaw ang Meralco buhat sa trese puntos pagkalugmok pasampa sa huling dalawang minuto para mahablot ang 95-94 panalo kontra Magnolia sa muling pagpapatuloy ng naudlot na PBA Philippine Cup sa DHVSU, Miyerkules ng gabi.
Bahagyang dinaga si rookie Mikey Williams sa kanyang unang salang sa PBA, pero ipinamalas ng TnT Tropang Giga ang kanilang tapang sa pagragasa ng 79-69 win laban sa Rain or Shine para manatiling walang bahid sa Philippine Cup.
Inako ni Juami Tiongson ang pagkamada ng mga puntos para sa Terrafirma na puspos ng injury tungo sa pagratsada ng Dyip na kabigin ang 110-104 overtime pagsilat sa San Miguel Beer sa PBA Philippine Cup, Miyerkules sa Don Honorio Ventura State U Gym sa Bacolor, Pampanga.
Higit na namutawi ang lakas ni Ginebra Kings Christian Standhardinger kesa sa bravado ni Greg Slaughter ng NorthPort sa kanilang unang matchup mula nang kanilang one-on-one trade.
Nagsilbing swabeng regalo para kay TNT Tropang Giga coach Chot Reyes ang pinaghirapan istratehiya ng tropa, matapos itarak ang 84-80 win kontra Phoenix Super LPG mismong sa kanyang ika-58 kaarawan para sa his 58th 3-0 baraha sa 46th PBA Philippine Cup, Linggo sa Ynares Sports Arena.
Ganado ang San Miguel Beer na siluin ang momentum hanggang dulo at ito'y naimarka na nitong Miyerkules nang tabigin ang Blackwater Bossing, 99-80, sa PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.