Slaughter kitakits ang presensiya, Batang Pier sinilat ang E-Painters sa OT
Nagpakita ng presensiya si Greg Slaughter sa matatag na pag-alagwa para pasanin ang Batang Pier kontra Rain or Shine 91-88 via overtime sa PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
Nilamukos ng seven-foot slotman ang potential game tying triple ni Gabe Norwood bago ang buzzer, para magawang putulin ng NorthPort ang two-game slide at mapaypayan ang pag- asang makapasok sa quarterfinals.