Muling kumikig ang Magnolia Ang Pambansang Manok buhat sa nagbabagang mga kamay ni Paul Lee kasama na ang kambal na tsansa para muling warakin ang Meralco 92-78, Miyerkules para ikomando ang kanilang bentahe sa PBA Philippine Cup semifinals duel sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
Sumanib na rin ang 2nd top seed Meralco para sa 2021 PBA Philippine Cup Final Four, matapos warakin ang upset dream ng NLEX, 97-86 win Biyernes ng gabi sa Don Honorio Ventura State U Gym sa Bacolor, Pampanga.
Natali sa dikdikang salpukan Miyerkules, trumabaho ng husto ang Bolts para maibulid ang kalmadong distansiya at kumpletuhin ang mariing panalo diretso sa best-of-seven semifinals versus No. 3 Magnolia.
Humalibas si Marcio Lassiter kaakibat ang sakalam na inumpisahan ni Terrence Romeo matapos iratsada ng San Miguel Beer ang 20 points nilang pagkadapa diretso sa pag-agaw ng panalo sa Game 2 ng kanilang PBA Philippine Cup best-of-seven semifinal war kontra TNT sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga, Miyerkules.
Nakumpleto ng No. 3 Magnolia ang kanilang two-game sweep kontra No. 6 Rain or Shine, matapos irolyo ang 96-86 panalo para maabot ang PBA Philippine Cup Final Four sa Don Honorio Ventura State U Gym Huwebes ng gabi.
Namuno si Paul Lee sa kanyang 24 points, at Calvin Abueva (20 points at 19 rebounds) at Ian Sangalang (13 markers at 11 boards) sa pagdeliber ng double-double games kung saan inulit ng Hotshots ang kanilang 81-70 paglusaw sa Elasto Painters Linggo at maiguhit ang semis spot laban sa mananaig sa pagitan ng Meralco-NLEX matchup.
Puwersa, liksi at tibay, mga karakter na tinarget ng Magnolia para hugutin ang isang player tulad ni Calvin Abueva.
At sa maigsing panahon inani na ng Hotshots ang bunga na kanilang isinugal sa off-season.
Hindi na pinalagpas ng San Miguel Beer na makaporma ang NorthPort, Huwebes sa kanilang duwelo sa quarterfinals.
Sapat lang na inilatag ng Beermen ang kanilang taktika sa tamang oras para lagukin ang 100-95 panalo para makumpleto ang kanilang two-game sweep sa serye at selyuhan ang kanilang puwesto sa semifinals sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
Sumuong sa mapanganib na oportunidad sa kabila ng tadtad nang foul si Calvin Abueva sa kakarampot na sandali na naging daan para makaalpas ng Magnolia Ang Pambansang Manok kontra Meralco Bolts, 88-79 , Linggo sa pagsisimula ng kanilang duwelo sa PBA Philippine Cup semifinals sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.