Rain or Shine usad sa q'finals, 80-74 vs TNT

Rain or Shine usad sa q'finals, 80-74 vs TNT

PBA

Rain or Shine usad sa q'finals, 80-74 vs TNT

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
SMART Clark Giga City -Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ng Rain or Shine kung sino ang tropang hahablot  ng huling tiket sa  quarterfinals, sa pagpinta ng 80-74 panalo kontra  TNT Tropang Giga, Martes sa  PBA Philippine Cup bubble play sa Smart 5G-powered AUF Sports Center, Angeles City,  Pampanga. 
 
Sinindihan ni James Yap ang kanilang maangas na umpisa dala ang  16 points sa unang kabanata, at simpleng kumapit hanggang sa huli para pagtripan ang Tropang Giga at kunin ang upuan sa  playoffs seat na may isa pang asignatura ang nakalaan.
 
Ang katropang beteranong sina  Beau Belga, Gabe Norwood at Mike Borboran ay inihatag din ang kanilang papel kung saan ang E-Painters ay iniskor ang susi ng panalo sa prosesong kinandaduhan ng pinto ang NLEX Road Warriors.
 
Makakasama ng ROS ang  Barangay Ginebra, TNT, Phoenix Super LPG, San Miguel Beer, Alaska Milk, Meralco at Magnolia sa post-elims play habang ang NLEX ay umiksit kasama ng Blackwater, NorthPort at Terrafirma.
 
"We're thinking TNT has secured a spot in the next round at baka mag-relax yan sa simula. We don't know the quotient that they need but we just have to be hungrier. It gave us the opportunity that we're able to grab," sambit ni  Rain or Shine coach Caloy Garcia.
 
Si Garcia at kanyang tropa ay sasabak sa  Fuel Masters sa pagpinid ng  elims play, Miyerkules. Ani Garcia pihadong ibibigay nila ang lahat at tangkaing manaig na maaring maghahatag sa kanilang makaentra sa Top Four.
 
"There's still the possibility of us ending in the Top Four. Susubukan namin kunin," ani Garcia.
 
Dispalinghado ang Tropang Giga kung saan binangko ang injury-hit Jayson Castro sa aksiyon.
 
Nagawa nilang ilabas ang tunay na laban ngunit lumaylay ang TNT sa endgame at tapusin ang kanilang kampanya sa  elims stint tala ang 7-4 win-loss kartada. (LP/PBA)
 
Photo Courtesy : PBA.PH 
 
The Scores:
 
RAIN OR SHINE 80 - Yap 16, Mocon 16, Belga 12, Borboran 10, Norwood 9, Rosales 6, Ponferada 5, Torres 4, Onwubere 1, Arana 1, Wong 0, Nambatac 0.
 
TNT 74 - Rosario 18, Erram 14, Parks 11, Enciso 9, Pogoy 9, Vosotros 6 Washington 4, Semerad 3, Carey 0, De leon 0, Alejandro 0, Montalbo 0, Flores 0.
 
Quarters: 13-19; 43-38; 67-57; 80-74