Tropang Giga dinomina ang natarantang Bolts, pinatingkad ang kampanya
PBA

Tropang Giga dinomina ang natarantang Bolts, pinatingkad ang kampanya

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
SMART Clark Giga City - Matikas na taktika da malayuang tira ang naging puhunan ng TNT nitong Sabado para gapangin ng Tropang Giga ang kapatid na Meralco Bolts,  92-79 Sabado sa  PBA Philippine Cup sa Smart 5G-powered AUF Sports Arena sa Angeles City, Pampanga.
 
Tumilapon si Roger Pogoy ng  game-high 27 points sa bikas ng walong rebounds at tatlong assists kung saan tinubos niya ang kanyang nakaraang malamyang performance sa huling dalawang laro kung saan kumabig lang siya ng kabuuang disinueve puntos .
 
Tinubos din ni Troy Rosario ang sarili mula sa dispalinghadong 2-point halibas sa 79-85 pagkabigo sa Barangay Ginebra nito lang nakarang Biyernes,  inaklasan ang 24 puntos ni Jayson Castro at pang- apat na sunod na double-double na 17 puntos at 11 rebounds ni Rayray Parks.
 
Sa naging resulta,  napigil ng Tropang Giga ang dalawang beses na talo para ilista ang  7-3 baraha, sapat na para itaga sa ikalawang posisyon sa liga. 
 
Isa pang panalo sa  Rain or Shine sa kanilang huling elimination round game bukas,  Martes at ang TNT ay papatak sa  top four at bitbitin ang  twice-to-beat na bentahe sa  quarterfinals.
 
Sa lahat,  naghatag lang ang Tropa ng anim na three-point shots mula sa  22 pagtatangka, isang araw matapos ang  5-for-41 clip kontra Kings. Ngunit mas higit na tinalakan nila ang puntusan sa pagpatak ng plus-20 bentahe sa loob ng puntusan at plus-10 sa second chance points.
 
Nahimasmasan si coach Bong Ravena sa kanyang tropa na nakahanap ng daang manalo sa kabila ng team  pedestrian shooting mula sa arko. 
 
"Our outside shots are in our system so we have to take those even if they're not falling," ani  Ravena. "But as long it's open, we're gonna take that shot."
 
Ang kabiguan ang pumutol sa maigsing batak ng Meralco sa kanilang two-game winning roll at dumapa sa 5-4. Kailangang bumawi   ng Bolts at magpokus para makabangon sa kanilang huling dalawang asignatura una sa Terrafirma, Lunes, para pormal na mahugot ang upuan sa  quarterfinals.(LP/PBA)
 
Photo Courtesy : PBA.PH 
 
 
The Scores:
 
TNT 92 - Castro 24, Pogoy 27, Parks 17, Rosario 11, Erram 4, Enciso 4, Washigton 2, Montalbo 3, De Leon 0, Vosotros 0.
 
MERALCO 79 - Newsome 17, Hodge 14, Almazan 14, Amer 11, Maliksi 6, Hugnatan 4, Caram 4, Black 3, Quinto 2, Jamito 2, Jackson 2, Jose 0, Pinto 0, Salva 0.
 
Quarters: 29-19; 52-43; 73-62; 92-79.