Tropang Giga pinuksa ang Batang Pier, entra sa playoff

Tropang Giga pinuksa ang Batang Pier, entra sa playoff

Tropang Giga pinuksa ang Batang Pier, entra sa playoff
PBA

Tropang Giga pinuksa ang Batang Pier, entra sa playoff

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

SMART CLARK GIGA CITY - Buong puwersang pinagana ng TNT Tropang Giga ang kanilang pagbalik buhat sa pagkatalo sa NLEX Road Warriors sa huling pasada, para ibuga ang lahat sa natamemeng NorthPort Batang Pier, 112-87, at mahugot ang playoff entry sa PBA Philippine Cup bubble play sa Smart 5G-powered AUF Gym, Angeles City, Pampanga.

Suwabe lang na ginamit ng Tropang Giga ang nakalaang enerhiya sa apat na asignatura, para maagang puksain ang Batang Pier, na nagpalibre para sa todong galawan ng mga pambatong TNT player. 

Umiskor si Bobby Ray Parks ng idang jam at tumubog ng tres para panghawakan ang kanyang 22-point game, tungo sa pag-usad ng TNT sa awtomatikong playoffs bitbit ang pang- anim na panalo kontra isang talo.

Ang susunod na layunin ng tropa sy ang top four finish at twice-to-beat na bentahe sa quarterfinals kung saan sasabak ang Tropang Giga kontra Magnolia Hotshots alas 4 ng hapon, Miyerkules para sa kanilang huling apat na aksiyon sa elims.

"Today was a great response of the team from a loss. We showed up with a lot of energy, picked up the pieces and it's a testament to the determination of the team," bulalas ni Parks, na tumibag ng double-double game sa ilalim ng 10 rebounds, dalawang assists at 2 steals.

Bagamat iginiit ni Parks, na ang kanilanh ginawang pangsilo kontra Batang Pier ay "sanib puwersa".

Si Troy Rosario ay may sariling double-double game na 14 baskets at 10 boards, si RR Pogoy ay hatag ng 15 points habang si Jay Washington at Almond Vosotros ay umiskor ng tig-11 puntos mula sa bench.

Ayon kat TNT coach Bong Ravena, ito'y malaking bagay kunsidera na sinubukan nilang maikalat ang mga minuto sa matigtig na giyera sa pagsasara ng yugto sa elims.

"It's a good sign," ani Ravena sa pagsikhay na nahugot nila mula sa kanilang bench.
The scores:

TnT 112 - Parks 22, Pogoy 15, Rosario 14, Washington 11, Vosotros 11, Reyes 9, Erram 8, De Leon 7, Castro 7, Flores 4, Semerad 2, Montalbo 2, Enciso 0, Carey 0, Alejandro 0.

NorthPort 87 - Nabong 17, Standhardinger 15, Cruz 14, Taha 8, Subido 8, Lanete 8, Manganti 6, Elorde 4, Guinto 3, Revilla 2, Ferrer 2, Anthony 0, Grey 0.

Quarters: 30-13, 54-30, 90-55, 112-87.