Aces kalmadong tinupok ang Fuel Masters, 105-97
PBA

Aces kalmadong tinupok ang Fuel Masters, 105-97

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
SMART Clark Giga City -- Sa isang punto sa kaagahan ng huling kanto, di napigilang komprontahin ni Phoenix Super LPG coach Topex Robinson  ang referee sa malalintang pagdepensa kay  Calvin Abueva na drinowing ng kanyang Alaska defender.
 
Napanatili ng Aces ang kanilang komposyur at pokus tungo sa kanilang come-from-behind 105-97 pagsilab kontra Fuel Masters sa PBA Philippine Cup bubble action sa AUF Sports Arena Powered by Smart 5G sa Angeles, Pampanga, Huwebes. 
 
Binura ni Vic Manuel at kanyang katropa ang 14-point deficit at ibulid ang kanilang sariling double-digit na bentahe sa krusyal na pagbalikwas patungo sa pang- limang panalo kontra sa tatlong talo.
 
"I can't be prouder because we showed the resiliency we're talking about," wika ni  Alaska coach Jeff Cariaso.
 
Minaniobra ang giyera sa huling yugto at tuluyang nahugot, para idikit na ng  Aces ang karapatang makapasok sa quarterfinals  habang itinuhog ang Fuel Masters sa 4-3 kartada. 
 
Kinaltok ni Manuel ang tamang timpla sa pinakaantisipang duwelo kay  Abueva, sa paglatag sa Aces ng may 24 points karagdagan ang pitong kalawit at tatlong  assists.
 
"Ready lang ako lagi, at kailangan din naman talagang mag-lead lalo na sa endgame. Maganda ang naging resulta," ani Manuel.
 
Naging malaking susi din si Mike Digregorio sa kanyang crucial three-point pasabog na syang sumundot sa kanilang pagratsada. Ang  Alaska prized trade recruit ay kumatas ng  21 puntos na sinaniban ng 4-of-7 treys.
 
"Diniskas ni coach sa fourth quarter yung opensa namin. Nag-respond lahat, maganda ang ball movement at nakakuha kami ng open shots," ani  Manuel.(LP/PBA)
 
 
The scores:
 
Alaska 105 - Manuel 24, Digregorio21, Casio 13, Herndon 12, Teng 9, Brondial 8,Ayaay 6, Tratter 5, Ebona 4, Ahanmisi 3, Marcelino0, Galliguez 0, Publico 0, Adrada 0.
 
Phoenix 97- Wright 27, Abueva 18, Chua 15, Perkins 10, Jazul 9, Intal 8, Garcia 7, Marcelo 2, Heruela 1, Gamboa 0, Reyes 0, Napoles 0, Rios 0.
 
Quarters:19-29, 49-55,71-75,105-97.