Beermen pinadilim ang Meralco, 89-82
PBA

Beermen pinadilim ang Meralco, 89-82

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
SMART Clark Giga City - Muling ipinamalas ng  San Miguel Beer ang puso ng isang kampeon. 
 
Kinabagan ng laylay na simula,  sa 13-point third quarter na pagkalugmok,  pinanatili ng  Beermen ang kanilang arsenal para lagukin ang  89-82 panalo kontra Meralco, Miyerkules sa PBA Philippine Cup sa Smart 5G-powered AUF Sports Arena.
 
 
 
Nanguna si Mo Tautuaa sa lahat ng  scorer sa kanyang 23 points, ngunit ang gaya ng mga beteranong sina  Arwind Santos, Alex Cabagnot at Chris Ross ang nag-iwang ng marka sa papaupos na huling yugto para pamunuan ang ikatlong sunod na panalo ng SMB at ikaapat sa anim na asignatura sa pangkalahatan. 
 
Ang nasabing talaan  ang naghatag sa  defending champion na makasabay sa walang aksiyong  Barangay Ginebra at Phoenix Super LPG sa ikatlong posisyon, malayo mula sa kaparehong koponan na matalo ang kanilang unang dalawang asignatura sa bubble at ngayo'y mistulang natauhan para tutukan ang kampanya para sa pang anim na sunod na korona sa liga. 
 
"Coach (Leo Austria) told us to keep fighting, keep going, keep fighting, that no matter what, keep pushing until the end," sambit ni Tautuaa.
 
Ang Beermen sa katunayan ay isinapuso ang mga kataga, gamit ang balansiyadong opensiba at magaspang na depensa  para kutyain ang 19-4 arangkada umpisa sa huling kanto at akuin ang unahan,  79-73. Si Tautuaa ay may pitong puntos at Von Pessumal ay may apat sa naturang bentahe. 
 
Umalsa ang Meralco sa likod ni  Aaron Black para ilapit ang  80-83, ngunit bumanat si Cabagnot ng isang dumadagundong na tres na lumusaw ang pagbabanta bago sumalpak si  Ross ng shot clock-beating tungo sa 89-82,  19 seconds na lang 
.(LP/PBA)
 
 
Photo Courtesy : PBA.PH 
 
The scores:
 
SMB 89 - Tautuaa 23, Santos 17, Cabagnot 13, Ross 12, Lassiter 12, Pessumal 4, Gamalinda 4, Zamar 2, Escoto 2, Mamaril 0, Alolino 0, Vigil 0, DeGuzman 0, Comboy 0.
 
Meralco 82 - Baser 17, Hugnatan 15, Newsome 14, Black 7, Hodge 7, Qinto 6, Almazan 5, Maliksi 5, Jamito 4, Pinto 2, Faundo 0, Jackson 0, Jose 0, Salva 0, Caram 0.
 
Quarters:19-20, 40-40, 60-69, 89-82