Alaska nilubak ang Terrafirma,  99-96
PBA

Alaska nilubak ang Terrafirma,  99-96

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
SMART CLARK GIGA CITY - Maikakandado na sana ng Terrafirma ang kanilang unang panalo ngunit bandang huli'y tumiklop din ang tropa. 
 
At sinimplehan lang ng Alaska Milk Aces ang pag-arangkada sa Dyip, para akuin ang  99-96 panalo at muling umakyat sa itaas na may   .500 marka sa PBA Philippine Cup bubble play sa Smart 5G-powered AUF Sports Arena.
 
 
Ginamit ng Aces ang wastong postura at kompusyor sa papaupos na sandali na hindi nagawang harangan ng Dyip tungo sa paglagok ng ikaapat na tagumpay kontra tatlong kabiguan. 
 
Ikinasa ni Jvee Casio ang go-ahead basket sa bisa ng lay up at sinundan nina Maverick Ahanmisi at Jesper Ayaay ng tig- isang libreng buslo diretso sa pagresbak ng Aces mula sa pagkatalo nito sa  San Miguel Beer.
 
Samantalang ang  Dyip ay hindi nakaiskor sa huling 2:37 minuto ng aksiyon, na hinatak ang limang  field-goal attempts at napuspos ang tsansang tapusin ang pagkatuyot sa panalo sa liga. 
 
 
Patunay na nagiging malaking susi ang mapanatiling kalmado at matiyaga. 
 
 
"They (the Dyip) were aggressive and set the tone in the first half. I'm just happy how our guys made the adjustments and how they executed," sambit ni Alaska coach Jeffrey Cariaso.
 
"First half ang lambot ng depensa namin. Sa dugout (at the half), kailangan pang may magalit. Nag-respond naman ang team at nagtrabaho sa depensa," said Vic Manuel, top scoring for the Aces with 18 points off the bench.(LP/PBA)
 
Photo courtesy : PBA.PH 
 
The scores:
 
Alaska 99 - Manuel 18, Herndon 12, Digregorio 11, Casio 11, Tratter 10, Gallieguez 9, Ahanmisi 8, Ayaay 8, Teng 7, Ebona 5, Marcelino 0, Publico 0, Andrada 0, Brondial 0.
 
Terrafirma 96 - Perez 25, Tiongson 21, Adams 11, Camson 11, Ramos 10, McCarthy 8, Calvo 4, Gabayni 4, Faundo 2, Cahilig 0, Khobuntin 0, Agovida 0, Batiller 0, Balagasay 0, Celda 0.
 
Quarters:19-28, 45-52, 79-79, 99-96.