PBA bubble: Lakas ng boltahe ng Meralco!

PBA bubble: Lakas ng boltahe ng Meralco!

PBA bubble: Lakas ng boltahe ng Meralco!
PBA

PBA bubble: Lakas ng boltahe ng Meralco!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Naiposte ng Meralco ang back-to-back at tumungkab ng higit sa .500 marka sa unang pagkakataon sa PBA Philippine Cup bubble competition sa bisa ng 101-92 paglubak sa NLEX, Biyernes sa Smart 5G-powered AUF Sports Arena, Angeles City, Pampanga.

Matapos igapos ang 109-104 panalo kontra Magnolia Hotshots nung Martes via overtime, todong nanindigan ang Bolts sa isa pang nikmating salpukan sa Road Warriors para iturnilyo ang ikalawang sunod na panalo at itawid ang 3-2 baraha sa kabuuan.

Lagapak naman ang NLEX sa 1-4.

Si Raymond Almazan na mas binabad ng ilang minuto ay malaki ang naitulong sa Bolts.

Wika ni Meralco coach Norman Black kay Almazan, buhat sa injury, ay gumagana na ngunit ang kanyang laki at talento ang naghatag sa Bolts para maging isang magaling na koponan.

Ang 6-foot-8 na si Almazan ay dikit sa double-double game at isa sa pitong players na may tinatayang 9 markers kungsaan naantisipa ng Bolts ang 30-point pasabog ni Kiefer Ravena para sa NLEX.

Muli binitbit ni Chris Newsome ang atake ng Bolts sa kanyang 18 points, dagdag ang six rebounds at kaparehong bilang ng hatag.

Tumubog si Allein Maliksi ng 17 mula sa bench, sina Cliff Hodge at Baser Amer ay tumagaktak ng 11 at 10 ayon sa pagkakasunod, habang si Almazan ay sumalansan ng 11 markers at 9 boards sa kanyang pinakaproduktibong performance sa bubble play.

"For us, it's not about who's scoring the most but everybody doing their share and doing their part," ani Newsome habang idiniin ang depensa na malaking susi sa kanilang talikurang panalo.

The scores:
Meralco 101 - Newsome 18, Maliksi 17, Amer 11, Almazan 11, Hodge 10, Black 9, Quinto 9, Jamito 7, Hunatan 6, Jackson 3, Jose 0, Salva 0.

NLEX 92 - Ravena 30, Semerad 16, Alas 10, Cruz 9, Porter 8, Ayonayon 7, Soyud 6, Quinhan 6, Miranda 0, Paniamogan 0, Varilla 0, Ighalo 0, McAloney 0.

25-17, 41-39, 73-65, 101-92.