Tropang Giga sinibasib ang ika-4 na sunod na panalo
PBA

Tropang Giga sinibasib ang ika-4 na sunod na panalo

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Sa kabila nang paglalaro na may sprained ankle, nandun kay RR Pogoy ang ibayong determinasyon para hatagan ang TNT Tropang Giga ng sapat na enerhiya tungo sa pagsilab sa Phoenix Super LPG, 110-91,

diretso sa paglista na pang-apat na sunod na panalo sa PBA sa bubble play sa Smart 5G-powered AUF Sports Arena sa Angeles City, Pampanga, Lunes.

Hinabol ang 14 puntos na kalamangan at nakabuntot sa siyam sa pagtatapos sa halftime, ginatungan ni Pogoy at kanyang tropa ang mga sarili para ibalikwas ang situwasyon sa huling kanto ng giyera, para gibain ang Fuel Masters sa isang duwelo ng mga walang mantsang koponan.

Sa oras na ng laro napagdesisyunan at kinibit-balikat na lang ni Pogoy ang kanyang injury at nagawang magpasiklab pa para sa TNT kung saan binanat ang kanilang perpektong ratsada matapos ang maaga nilang panalo sa Alaska Milk, Terrafirma at San Miguel Beer.

Nalasap naman ng Phoenix ang kanilang unang kabiguan matapos ang 2-0 start.

"For us coaches, he's supposed to take a rest. But the kid wanted to play. We're lucky to have a player like him, all heart," sambit ni TNT coach Bong Ravena kay Pogoy.

Giniya ng Cebuano hotshot ang hangad sa koponan na maglaro ng mahusay sa Philippine Cup.

"Pagod na kaming talo lagi sa all-Filipino. We want to prove kaya namin manalo dito," ani Pogoy, na umuusok sa kanyang 30 points, kabilang na ang limang three-pointers.

At hindi lang si Pogoy ang nag-iisa.

"We moved the ball around at kung sinong libre siyang titira," ani Pogoy sa kanilang maalab na come-from-behind effort na minarkahan din ng double-digit outputs mula sa anim na
iba pang players na sina Poy Erram (7-of-12 for 18 markers), Simon Enciso (13), Bobby Ray Parks (12), Troy Rosario (11), Ryan Reyes (10) at Jayson Castro (10).

Malaking susi din ang depensa na inilatag ng Tropang Giga na naglimita sa galaw ng Phoenix star na si Matthew Wright sa walong puntos, makaraang pasabugin ang 23 sa unang bahagi ng aksiyon.
The scores:

TnT 110 - Pogoy 30, Erram 18, Enciso 13, Parks 12, Rosario 11, Reyes 10, Castro 10, De Leon 3, Washington 3, Carey 0, Alejandro 0, Semerad 0, Montalbo 0, Vosotros 0, Flores 0.

Phoenix 91 - Wright 31, Napoles 10, Perkins 8, Jazul 7, Chua 7, Reyes 6, Marcelo 5, Garcia 5, Heruela 4, Gamboa 4, Intal 4, Rios 0.

Quarters: 24-24, 45-54. 75-68, 110-91

(Photo credit: Pba.ph)