Win no.3 pininta ng E-Painters

Win no.3 pininta ng E-Painters

PBA

Win no.3 pininta ng E-Painters

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Sa kabila ng maganit na paglalaro na aminado naman ang kanilang coach, nakahanap ng paraan ang  Rain or Shine Elasto Painters na mamayani at magawang tumutok sa TNT TRopang Giga para sa kanilang perpektong ratsada sa  PBA Philippine Cup bubble play.
 
Si Rey Nambatac, na pasimuno sa kanilang unang dalawang panalo, ay lagareng muli nitong Linggo,  sa pagpinta ng game-winning two charities may 1.3 tikatik na lang para maipreserba ng E-Painters ang 70-68 panalo kontra NorthPort Batang Pier sa Smart 5G-powered AUF Sports Arena.
 
Hirap si Nambatac na may 2-of-9 field shooting, kabilang na ang 0-of-5 sa tres,  pero tinuldukan ang importanteng libreng buslo para abatan ang huling galaw ng  NorthPort.
 
Akyat ang ROS sa 3-0 karta habang bagsak sa 0-3 ang NorthPort.
 
"Ever since he was my player at Letran, I've seen that he has the guts to take big shots," sambit ni Rain or Shine coach Caloy Garcia kay Nambatac.
 
 
Pero  sinabi ni Garcia na ang sanib-puwersa ng tropa ang nagligtas sa kanilang malinis na kartada, espesyal na binanggit ang  rookies na sina Adrian Wong at Clint Doliguez sa kanilang krusyal na kontribusyon.
 
Katunayan si Wong, ang No. 5 draft selection, ay napansin ang kanyang presensya, na ipinakilala ang sarili sa  pro play sa bisa ng 15-point breakout game, na markado ng tatlong tres. 
 
"I shouted at him as he kept on hesitating to take shots and looked scared. It's good that he responded and stepped up," wika ni  Garcia patungkol kay Wong.
 
Ani Wong ang susi ng kanyang mahusay na paglalaro ay dahil sa tiwalang binibigay ng kanyang tropa. 
 
"Actually, all of us. We believe in each other. We're a 15-deep team, everybody can take over the game," aniya. 
 
Sa aktuwal nahirapan ang E-Painters sa laro,  nag umpisang lanta at naungusan ng halos trese, kailangang kumandado sa depensa para manumbalik sa aksiyon. 
 
Laglag ng anim na puntos sa halftime, tinutukan ng E-Painters ang Batang Pier sa dalawang puntos sa ikatlong kanto para akuin ang manibela bagupaman nakabalik muli ang NorthPort.
 
 
Nagawang maimaniobra ng NorthPort ang iskor sa 68-all sa huling 3.3 seconds ngunit minalas at humugot ng foul daan para ihatid sa foul line si Nambatac tungo sa panibagong  winning moment.
 
"It's an ugly win for us. I believe we can do better. We have to review what went wrong. Maybe, tinamaan na ng pagod because it's our third consecutive game,"  Garcia.
 
Panalo ang Barangay Ginebra sa iskor na 105-91 kontra  Meralco sa second game ng PBA PhilippineCup bubble Smart 5G-powered Angeles University Foundation Sports Arena.
 
"We played great defense. I thought we did a pretty good job on their pick-and-roll, and we weren't getting a lot of breakdowns," added Cone.

"We were forcing a lot of tough shots, getting rebounds and we were creating a lot of offense on our defense. I thought that was the best... part for me." LP/PBA
 
 
The scores:
 
Rain or Shine 70 - Wong 15, Onwubero 11, Nambatac 10, Mocon 6, Dolliguez 6, Yap 5, Torres 5, Belga 5, Arana 3, Norwood 2, Rivero 0, Rosales 0, Tolentino 0, Borboran 0.
 
NorthPort 68 - Anthony 13, Lanete 13, Standhardinger 3, Revilla 7, Taha 4, Manganti 3, Cruz 3, Elorde 2, Subido 0, Grey 0, Guinto 0, Ferrer 0.
 
Quarterscores:14-25, 32-38, 46-40, 70-68

The scores:

Ginebra 105 - Aguilar 20, Pringle 16, Chan 12, Tolentino 11, Caperal 9, Mariano 8, Thompson 7, Tenorio 6, Devance 6, Dillinger 5, Balanza 3, Caguioa 2, Salado 0, Dela Cruz 0, R. Aguilar 0.

Meralco 91 - Maliksi 18, Hugnatan 16, Amer 10, Newsome 10, Jackson 6, Almazan 6, Black 5, Quinto 4, Jamito 4, Jose 3, Pinto 2, Caram 2, Faundo 0, Salva 0.

Quarters: 20-20, 51-39, 74-60, 105-91.

 
 
Photo Courtesy : PBA.PH