Magnolia sinorpresa ang NLEX, 103-100!
PBA

Magnolia sinorpresa ang NLEX, 103-100!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Naging malaking pasabog ang iniangat ng Magnolia Pambansang Manok , Miyerkules, makaraang pagapangin ang NLEX

, 103-100 sa NLEX sa PBA Philippine Cup sa Smart 5G-powered Angeles University Foundation Sports and Cultural Center, Angeles City, Pampanga.

Nasilo ang mga guwardiya ng Road Warriors ni coach Yeng Guiao na nagsilbing pamato para sa Hotshots nang kanilang pasiklabin buhat sa 22 puntos na pagkahilahod sa ikatlong kanto.

Sina reliever Chris Banchero at Jio Jalalon ay parehong kumatas ng tig- 19 points habang ang mga starter na sina Paul Lee at Mark Barroca ay may pinagsosyohang 31 puntos.

Maging si Ian Sangalang at foul-trouble Jackson Corpuz ay nakapag-ambag ng 18 points at 19 rebounds kung saan tinubos ng Magnolia ang kanilang 78-94 kabiguan sa kapatid na San Miguel Beer sa unang araw ng hostilidad nung Marso 8 habang dumapa ang NLEX sa 0-2 kartada.

"It was a total team effort, the energy, the aggressiveness," sambit ni coach Chito Victolero.