Meralco Bolts nanalo kontra Alaska

Meralco Bolts nanalo kontra Alaska

Meralco Bolts nanalo kontra Alaska
PBA

Meralco Bolts nanalo kontra Alaska

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Tinungkab ng Meralco Bolts ang kanilang unang tagumpay sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup bubble matapos ibaldosa ang tropang Alaska, 93-81, Miyerkules sa Angeles Angeles University Foundation Sports Arena & Cultural Center.

Mistulang tinubos nina Basser Amir at Allein Maliksi ang pundidong paglalaro nila sa unang sabak nang sunugin ng Phoenix Super LPG, 116-98 nung Lunes, October 12, nang pangunahan ang ratsada ng Bolts sa pagmando ni coach Norman Black.

Kumabig si Amir ng 15 puntos kabilang na ang walo sa huling kanto ng giyera na nagsilbing pamasak bentahe hanggang sa huli, habang dumagit ng maalab na 17 puntos si Maliksi sa kanyamh 6 of 9 patak sa field.

Patuloy pa rin ang pagpalag ng beteranong si Reynel Hugnatan na nag-iisang pumalo sa laban ng Bolts sa Fuel Masters, ay bumatak ng 13 baskets at walong kalawit para ihatag sa Aces ang ikalawang talo sa bubble.

Nagawang abatan ng moog na depensa ng Meralco ang dalawang lakas ng Aces na sina Jeron Teng at Vic Manuel sa opensa na umiskor ng 25 at 18 ayon sa pagkakasunod.
Iskor:

Meralco 93– Amer 15 , Maliksi 17 , Hugnatan 13 , Hodge 11 , Black 8 , Faundo 2 , Jose 6 , Quinto 5 , Newsome 6 , Almazan 5 , Pinto 5

Alaska 81– Teng 25 , Manuel 18 , Herndon 8 , Publico 8 , Tratter 6 , Brondial 5, DiGregorio 6 , Galliguez 3 , Ayaay 2 , Andrada 0 , Casio 0 , Ebona 0

Quarters : 29 – 23 , 49 – 35 , 65 – 58 , 93 – 81