Phoenix Super LPG binalatan ang Meralco Bolts

Phoenix Super LPG binalatan ang Meralco Bolts

Phoenix Super LPG binalatan ang Meralco Bolts
PBA

Phoenix Super LPG binalatan ang Meralco Bolts

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Nagawang sumirit ng Phoenix Super LPG sa ipinagpatuloy na 2020 PBA Philippine Cup sa bisa ng maalab na 116-98, pagdiskaril sa Meralco Bolts, Lunes, Okt. 12 sa Angeles University Foundation gym.

Nagsilbing panindi ng Super LPG ang nagbabagang kamay ni Matthew Wright, na sumunog ng 36 points buhat sa 4 na tres para sa maagang pag-alagwa tungo sa pagpundar ng kumbinsidong panalo.

Naging malaking motibasyon kay Wright ang pag-alaala sa kanyang idolong si Kobe Bryant na maagang namayapa nitong Enero dahil sa helicopter crash kasama ang kanyang anak na babaeng si Gianna.

Aniya pa, bago ang laro, kinausap niya ang bagong saltang coach na si Topex Robinson. Sabi niya hindi niya gustong mabigo agad sa unang pagmando nito bilang bagong coach ng Phoenix.

Namayani ang Phoenix sa laro buhat sa three-point distance kung saan binatak nila ang 17 tres sa 39 pagtatangka para sa 43% shooting percentage.

Kabalintunaan naman sa tropa ng Meralco na pumutok lang ng 6 of 24 attempts sa kakarampot na 25% shooting percentage.

Tanging naging matikas lang para sa Bolts ay ang beteranong si Reynel Hugnatan na kumana ng 16 points sa kabila nang 16 na minuto lang na pagbabad sa loob.

Tumurbo si Wright ng dalawang free throws may 5:14 sa laro kung saan naiposte ng Phoenix 102-81 bentahe. Sa tiyempong yun nakabato na si Wright ng 34 points, 4 rebounds at six assists.

(Photo credit : Pba.ph)