PBA bubble games sa Oktubre 9 sa Clark

PBA bubble games sa Oktubre 9 sa Clark

PBA

PBA bubble games sa Oktubre 9 sa Clark

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Inihayag ng PBA, Huwebes na magsasagawa na ng kanilang sariling bubble games sa Clark, Pampanga para maipagpatuloy ang naudlot na  45th season dahil sa pandemya.
 
Ang Board of Governors, sa pangunguna ni Chairman Ricky Vargas ng TNT, ang naghayag sa ginawang press conference  via Zoom matapos ang board meeting Huwebes ng hapon. 
 
Ang Angeles University Foundation (AUF) gym sa Angeles City, na ginamit sa 30th Southeast Asian Games noong 2019,  ang magsisilbing venue para sa official games.
 
Gagamitin ng liga ang buong bubble format, na ang players at crew ay mamamalagi sa isang partikular na lugar, ito'y ang Quest Hotel sa Mimosa, at ibibiyahe sa  practice facility at playing area. Nakatengga pa para aprubahan mula sa  Inter-Agency Task Force (IATF), papasok ang mga koponan sa bubble sa Sept. 26 at magsisimula ang paglalaro kinabukasan. Dalawang asignatura ang ilalaro araw araw, pitong araw kada linggo. 
 
Sinabi rin ni PBA commissioner Willie Marcial na ang San Miguel's opening-day win laban sa Magnolia noong  March 8 ay ibibilang sa  standings.
 
Ang iba pang mga detalye na ipinahayag sa press conference ay ang mga sumusunod:
 
Mayroong  virtual fans, gaya ng sa NBA bubble.
 
May maximum na 25 katao kada team ang papayagan sa loob. 
 
-Limang miyembro ng media ang papayagang magkober sa mga laro sa bubble. Susundin ng media ang parehong  protocol tulad ng sa players.
 
-Ang player na aalis sa  bubble ay iipitin muna ang kanyang suweldo para sa isang buwan , magmumulta ng P100,000, at susupendehin siya ng limang laro sa susunod na season.
 
-Ang testing ay isasagawa sa Clark, at gagawin ng naaayon sa panuntunan ng  DOH.
 
-Lahat ng mga laro ay mapapanood ng live sa One Sports at PBA Rush at naka-livestream sa ESPN5.com. Ang iskedyul ng mga Laro ay Miyerkules, Biyernes at Linggo at sabayang mae-ere sa  TV5.
 
-Ang Game schedules ay 4:00 p.m. sa  first game at 8:00 p.m. sa second game.
 
-Ang buong format ay isang round robin elimination, top four seeds na may twice-to-beat advantage sa quarterfinals, best-of-five semifinals, at best-of-seven finals.(LP/ESPN5)