Bubble tournament sa PBA isinusulong

Bubble tournament sa PBA isinusulong

Bubble tournament sa PBA isinusulong
PBA

Bubble tournament sa PBA isinusulong

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Binigyan ng importansiya ng Philippine Basketball Association ang posibleng bilang ng mga prospektibong bubble tournament maging sa malayong lugar ng Dubai, kung saan kababalik lang sa ilang araw na maalwang ensayo ang mga koponan.

"If we play double-header or triple-header four or five days a week, we can finish the tournament in two months. Kung araw-araw, pwedeng one month and a half. Pero depende sa ating TV coveror," sambit ni Kume Willie Marcial.

Ang Coca-Cola Arena sa Dubai, na ini-host ng official PBA games, ay nagpahayag interes at ngayo'y pinag uusapan na sa PBA Commissioner's Office.

"They have communicated with us and they're asking for the requirements," ani Marcial, hinggil kay Mark Jan Kar, Commercial Director ng Coca Cola Arena.

Mayroon ding mga inquiry buhat sa mga grupo na humahanap sa posibilidad na dalhin ang PBA games sa Baguio at El Nido, Palawan.

Kumalat ang mga interesado sa posibleng tie-ups sa PBA mula nang si league chairman Ricky Vargas ay nagpahayag na magpokus na ang liga sa kagustuhang makausad sa target na maisulong ang Season 45 kahit man lang isang conference simula October.

Hangad ni Vargas na gayahin ang konsepto ng NBA, kung saan binanggit ang mga lugar na puwedeng pagdausan tulad ng Laguna, Batangas, Subic, Clark at Smart Araneta Coliseum sa Quezon City bilang bubble options.

"Nandyan na tayo eh, and my own feeling is we don't have a choice. May model na tayo in what's the NBA is doing. We just have to go ahead, move forward and look forward to the time na laro na tayo," sambit ni Vargas sa PSA Forum, Martes.

Ang kanyang pahayag ay humugot ng interes mula sa iba't ibang quarters, kabilang na ang Manila hotels na nag-aalok ng lodging at transportasyon sa liga.