PBA balik-aksiyon sa Setyembre o Oktubre...
PBA

PBA balik-aksiyon sa Setyembre o Oktubre...

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

MANILA –Posibleng magbabalik-aksiyon ang Philippine Basketball Association (PBA) para sa ika-45 season nito sa buwan ng Setyembre o Oktubre o kaya naman tuluyan nang ipagpaliban hangga't malupit pa rin ang pananalasa ng pandemya sa bansa.

Nakatakdang idaos ng PBA board of governors ang masinsinang pag-uusap anumang oras sa darating na Agosto para pagpasyahan ang naipagpalibang edisyon ng mga laro, bagamat posibleng ipagpapatuloy ng mga koponan ang practice session lang sa unang linggo ng darating na buwan, kung saan nakasalang na maaring gawin na lang ng board sa Setyembre o Oktubre.

Gayunman, malaki pa rin ang paniniwala ni Commissioner Willie Marcial na makakabalik ang Asia's play for pay league sa kabila nang banta ng Covid 19.

"On track pa rin tayo ," optimistikong sambit ni Marcial.

Klarado na ang 12 teams na makapag-ensayong muli, bagamat tantyado o iilang bilang ng tropa alinsunod sa ipinalabas na joint administrative order hinggil sa team practices sa gitna ng pandemya.

Sa kabilang ng tiyagaang paghihintay na mulung makapaglaro, ang PBA board, ayon kay chairman Ricky Vargas, sadyang 'sabik' na maipagpatuloy ang mga laro.

"When I was chairing the meeting, the mood was very upbeat and I felt everybody amongst the governors were eager and ready to work, get back to court, and help get the PBA running ASAP (as soon as possible)," ani Vargas.
(LP/PNA)