PBA - Imports tablado muna ng PBA!
PBA

PBA - Imports tablado muna ng PBA!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Wala munang mga import na papasada sa Philippine Basketball Association bilang pansahog sa liga ng bawat tropa bunsod ng matinding hagupit ng Covid-19 pandemic sa buong mundo ngayong 2020.
 
Sa pahayag ni PBA commissioner Willie Marcial tutok ang liga sa pagsimula ng  Philippine Cup ng PBA Season 45.
 
Kung papayagan ang  liga na umpisahan ngayon o anumang oras sa  2020, gusto ng  PBA chief ba posible lang ang All-Filipino.
 
“Posibleng no imports. Ang problema kasi may papayag bang imports na pumunta dito sa atin ngayon? At syempre, may takot din tayong tanggapin sila sa atin ngayon. Makikipaglaro ba ang players natin sa kanila?” ani Marcial.
 
Aniya,  hindi praktikal na magdala ng imports sa panahon ng pinapairal na istriktong protocol para iwasan ang pagkalat ng  Covid-19.
 
Si Meralco Bolts import Allen Durham (5) ay umiigkas sa pag atake sa  hoop kontra Alaska Aces defenders Franco House (15) at Maverick Ahanmisi. Ang tulad nilang reinforcers ay inaasahang hindi makadadayo sa  PBA ngayong taon. 
 
 
“At kung may pumunta man, kailangan pa ng 14-day quarantine period. At pag nagpalit ka ng import, another 14-day quarantine period. So malamang na magsisimula tayo sa pagbalik sa all-Filipino,” sabi pa ni Marcial.
 
Kung sakali mang mag-resume ng operasyon ang  PBA sa nalalapit na panahon hindi nasasalamin ang maagang pagbabalik ng imports na sina sa 2019 PBA Governors’ Cup Best Import Allen Durham ng Meralco Bolts o Barangay Ginebra’s Justin Brownlee na pinamunuan ang kanyang tropa sa korona. 
 
Tiwala ang PBA honcho na muling magbabalik ang liga  kung saan target na pinipintuho ng iba pang  contact leagues overseas, kabilang na ang NBA sa kanilang mga aktibidad na itinakdang magsisimula sa  July 31.
 
“Nakikita nila (Task Force) hindi lang NBA, pati EuroLeague, football, yung baseball yata magsisimula na rin. At ibang basketball leagues sa China, Korea. So malaking bagay sa amin yun,” ani Marcial.(LP/MST)
 
PHOTO COURTESY ; ABANTE TNT