SBP aampunin ang bagong  panuntunan ng FIBA  
PBA

SBP aampunin ang bagong  panuntunan ng FIBA  

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
MANILA –Buong itatalima ng  Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mga panuntunan ng  International Basketball Federation (FIBA) kung paano isasakatuparan at maibabalik ang  basketball  sa gitna ng  Covid-19 pandemic.
 
"These guidelines are meant to be used as reference and aid when various leagues, tournaments and games organizers in the Philippines craft their own respective Return to Basketball programs depending on the circumstances surrounding them in their own localities," sambit ni SBP president Al Panlilio sa liham na ipinadala sa mga stockholder at media organizations, Lunes. 
 
Noong May 26, ang FIBA, ang world governing body sa basketball, ay nagpalabas ng mga protocol na maaring ipatupad ng domestic basketball bodies habant nagsisimula sila sa renobasyon ng format para maipagpatuloy ang liga sa panahon ng pandemya. 
 
Ang tanging bahagyang pagkakaiba ay habang ang SBP ay pangunahing nakabatay sa kanilang basketball risk assessment at mitigation checklist buhat sa  risk assessment guidelines na itinakda ng World Health Organization.
 
Inoobserbahan din ang panuntunan ginawa ng  Department of Health at ng Inter-Agency Task Force para sa Management of Emerging Infectious Diseases.
 
Isa sa major prerequisite na nilikha ng FIBA para sa play-for-pay leagues para makabalik ay ang  polymerase chain reaction testing para sa lahat ng players.
 
Ang PBA, kung saan si Panlilio ay nagsisilbing  Meralco governor, ay kinakailangang ang lahat ng players ay sumailalim sa   Covid-19 testing bagupaman nakapagpaplano silang maipagpatuloy ang  practice na naresolba sa kanilang  board meeting noong Miyrekoles. 
 
Limang teams, San Miguel Beermen, Barangay Ginebra, Magnolia Hotshots, Meralco Bolts, at NLEX Road Warriors, ang nakapagsagawa na ng kanilang Covid-19 testing. (Louis Pangilinan)
 
Photo courtesy : ESPN