PBA asa pang matutuloy ang liga ng Season 45  sa gitna ng pandemya

PBA asa pang matutuloy ang liga ng Season 45  sa gitna ng pandemya

PBA

PBA asa pang matutuloy ang liga ng Season 45  sa gitna ng pandemya

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Umaasa ang Philippine Basketball Association na ang kasalukuyang suspendidong  Season 45 ay may kapasidad na muling ituloy sa kabila ng  coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
 
Isinagawa ang pag-uusap sa bisa ng teleconference Sabado ng gabi,  napagkasunduan ng league board of governors na alisin ang anumang  definite decision sa kalagayan ng ongoing season sa buwan ng Agosto sa paniwalang sa mga panahong yun ay may mas maayos ng kalagayan sa estado ng COVID-19 at ang distroso nito. 
 
“We will wait until August to decide whether it’s still a go or a season cancellation,” pahayag ni PBA commissioner Willie Marcial sa dalawang oras na teleconference.
 
Ang impormasyon ay naibahagi gaya ng iba pang sporting organizations ay dumating sa kanilang mga desisyon noong nakalipas na linggo gayundin sa nakakalendaryo sa buong  taon. 
 
Katulad ng Philippine Sports Commission, kinansela ang lahat ng aktibidad at kaganapan na nasa kanilang mandato hanggang December para matiyak ang kaligtasan at kalusugan sa lahat ng atleta habang pokus sa kanilang gawain kabilang ang badyet kung paano maka-survive sa kasalukuyang krisis.
 
Napagpasyahan ng PBA noong Marso na suspendehin ang kanilang kasalukuyang season matapos ideklara ng pamahalaan ang state of public health emergency at ilagay ang buong Luzon sa enhanced community quarantine bilang bahagi ng pagpigil sa mapaminsalang COVID-19.(Louis Pangilinan)
 
photo courtesy : REMATE.PH