PBA Finals: Meralco bench pasiklab sa Game 2 kontra Ginebra!

PBA Finals: Meralco bench pasiklab sa Game 2 kontra Ginebra!

PBA Finals: Meralco bench pasiklab sa Game 2 kontra Ginebra!
PBA

PBA Finals: Meralco bench pasiklab sa Game 2 kontra Ginebra!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
 
LUCENA City - Sinindihan ng Meralco ang kanilang enerhiya sa pagdayo dito sa lalawigan ng Quezon,  at ang PBA Governors Cup finale ay babalik sa Manila na ang dalawang bida'y (Ginebra) babaliin ang 1-1 pagkakatali. 
Sinabi ni Meralco coach Norman Black kailangan nilang bitbitin ang depinidong sandata para sa tsansang itumba ang  Gin Kings. At ito'y suwabe nilang naisakatuparan. 
Binakbakan ng Bolts ang Gin Kings buhat sa dulo para kabigin ang 104-102 panalo at iresbak ang kanilang  87-91 kabiguan sa series opener  Martes sa  Araneta Coliseum.
Nagsilbing ' magic bunot' ng tropa si John Pinto na humatag ng maagang pasiklab sa kanyang  4-of-5 three-point shooting, sinundan nina Allen Durham at Baser Amer ang kanilang krusyal na pasabog buhat sa arko ng tres diretso sa paghiganti sa Kings.
Pumuhunan ang  Gin Kings na gibain ang 19 pagkakabaon pero nagawang umalsa ng Bolts matapos tumubog ng magarbong tres si Amer buhat sa bench para pigilan ang pag-alsa ng Ginebra.
Magpapaunahan ang dalawang koponan na akuin ang 2-1 ungos kung saan magbabalik ang serye sa  Big Dome Ligggo para sa Game Three.
Tinagpas ni Amer ang dalawa sa kanyang limang  three-pointers sa papaupos na sandali at tabasin ng dating  San Beda ace guard ang 17 points gayundin ni Chris Newsome.
Umarko si Durham ng 3-of-5 sa tres para iposte ang panibaging solidong laro sa kanyang 21 points, 18 rebounds at 6  assists.
Halos mag-double double si Raymond Almazan sa pagtagas ng 15 markers at 9 boards at pag aklas din ng Meralco bench para itulak ang tropa kabilang na ang maagang pagdingas ni Pinto.  (Louis Pangilinan)
Photo by PBA.PH