Meralco binasag ang Blackwater, 106-97

Meralco binasag ang Blackwater, 106-97

PBA

Meralco binasag ang Blackwater, 106-97

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
 
 
 
Ni Louis Pangilinan 
 
 Muling ginatungan ng Meralco Bolts ang tumagas na enerhiya para hiyain ang  Blackwater, 106-97, Biyernes sa PBA Governors’ Cup sa  Ynares Center, Antipolo City. 
 
Nagsilbing kable ng kuryente ang tinipong lakas nina Allen Durham at  Raymond Almazan sa paglista ng doble dobleng pigura para pagtibayin ng Bolts ang kanilang pagkakatali sa ika-apat na posisyon sa  team standings, na may 4-2 kartada. 
 
Tumipa si Durham ng 27 puntos, 13 rebounds, at 2 butata habang kumayod si Almazan ng 19 points, 10 rebounds, at dalawang tapal para kontrolin ng todo ng  Bolts ang banggaan. 
 
Nikmati rin ang Meralco sa tres diretso sa huling kanto para mamentina ang kanilang bentahe  sa Elite na laglag sa pang apat na talo sa anim asignatura. 
 
"The goal is to try to take advantage of the format which is top four teams getting twice-to-beat,” sambit ni Meralco coach Norman Black.
 
Naghatag din para sa Bolts si Baser Amer ng 10 sa kanyang  17 points sa huling yugto, sa pagkadyot ng dalawa sa 5 tres ng tropa. 
Kumahig lang ang Meralco ng dalawang triples sa unang tatlong yugto. (Louis Pangilinan)