TnT KaTropa 'di puwedeng papitik-pitik!
PBA

TnT KaTropa 'di puwedeng papitik-pitik!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

 

Ni Louis Pangilinan

Paniguradong makausad sa quarterfinals, hindi  kailangang magpapitik-pitik ang   TNT KaTropa kung saan hangad  nila ang mas mataas na lebel –ang Top Two finish para sa  twice-to-beat bonus.

Gabundok ang istratehiya  ng  KaTropa  na higit na mapalakas  ang kanilang arsenal para tungkabin ang ikapitong sunod na panalo kontra  Alaska Milk Aces sa PBA Governors Cup Ynares Sports Center Antipolo, Biyernes.



Ani TNT coach Bong Ravena hindi pa sila puwedeng basta basta mag relaks kung saan nagawa nilang patagin ang malubak na salpukan nila ng   ng Rain or Shine, 78-71,  Linggo.

Naipako ng Aces ang  breakthrough win sa muling pagbabalik ni  Jeron Teng buhat sa injury.

At si  Teng at kanyang katropa ay kailangang   umalsa kung saan asam ang astig na pagtatapos sa elims para makasalba ng  playoff berth.

"I'm happy to get the monkey off our backs," ani Jeffrey Cariaso, na nalasap ang unang panalo bilang Alaska Milk head coach. "Hopefully, we'll be able to sustain the effort."

‘Alang magawa sanhi ng  hamstring injury sa kanilang unang limang laro, walang inaksayang oras si Teng para magpakitang-gilas sa kanyang pagbabalik.

"It was a struggle for me seeing my teammates losing games and I couldn't do anything because I was sidelined with an injury. So I just want to really help them win," ani  Teng, na umiskor ng  18 points, kabilang na ang walo na umayuda para ibaldosa ang  matinik na E-Painters.
(Louis Pangilinan)