Buhay pa ang Ginebra
PBA

Buhay pa ang Ginebra

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Laro ngayon
(Big Dome)
7pm-Ginebra vs TnT

Naabatan ng Barangay Ginebra na mawalis ang serye nang hugutin ang 80-72 panalo laban sa TnT Katropa at manatiling buhay sa PBA Commissioner's Cup semifinals, Martes ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Naging tagapagsalba ng serye si Import Justine Brownlee para sa Kings matapos na humagibis sa huling kanto bagupaman ang mabagal na umpisa sa Game 3.
Pumukol siya ng walo ng kanyang 14 points sa naturang yugto, higit dito ang makahinga ng lubusan ang Kings kontra agresibong Katropa.

Kumalawit din siya ng 11 rebounds and 8 assists, ang huli'y ang paghatag kay Scottie Thompson na nagkaloob sa koponan ng 76-72 ungos sa huling 85 segundo.

Ang panalo ang gumayat sa serye ng Kings' deficit sa 1-2 na ang Game 4 ay nakatakda ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

"Buhay pa, so we still have life," sambit ng nahimasmasang Barangay Ginebra coach Tim Cone sa post-game presser. "We're still alive, we're still kicking, and we're still moving forward."

Pinangunahan ni LA Tenorio ang lahat ng Ginebra scorers na may 16 points, kasama na ang 10 sa unang yugto nang imaniobra niya ang Kings sa maagang 11-point lead. Tumirada ang veteran guard ng 3-of-7 buhat sa three-point range kung saan ang Ginebra (9-of-25) ay na-outscored ang Katropa (5-of-34) sa unang pagkakataon sa serye.

Nagdagdag si Joe Devance ng 13 at Scottie Thompson ay may 10 para sa. Kings.

Pero aminado si Cone na nahirapan sila para lang mahablot ang unang panalo at mapalawig pa ang serye.

"It was tough. We just got to see if we can turn around and try to get two," he said. "The old clich?, one at a time. That's what really is." (Louis Pangilinan)