NLEX , NORTPORT WAGI

NLEX , NORTPORT WAGI

PBA

NLEX , NORTPORT WAGI

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Sa wakas nagtala na rin ng panalo ang NLEX Road Warriors matapos ang nakaladiskaril na anim na sunod na kabiguan sa pagsilab kontra Meralco Bolts, Miyerkoles sa 2019 PBA Commissioner’s Cup at Mall of Asia Arena.

Rumihestro si Tony Mitchell ng 32 points, 20 rebounds at 4 assists, habang ang bagong hugot na si Jericho Cruz ay humakpt ng 16 points kabilang na ang 2 3-pointers at 6 assists para siguruhin ang panalo 100-91 panalo ng Road Warriors.

Pero hindi naging madali para sa NLEX ang laban, kung saan halos malusaa ang kanilang 23-point lead nang idikit ng Meralco sa 4 puntos ang ungos sa kalagitnaan ng huling kanto.

Si Gani Lawal, na inalis sa injury list, ay binitbit ang Bolts sa kanyang 15 points at 14 rebounds. Nakakuha rin sila ng tig 14 puntos kina Chris Newsome at Nico Salva.

Ngunit hindi naging sapat ang kanilang areglo para gibain ang doble pigura ni Mitchell.

Ito na ang ikatlong sunod na talo para sa Bolts, na laglag sa 3-5 karta.

Samantala binura ngeight-man Batang Pier ang 25-point deficit sa ikalawang bahagi ng aksiyon para gulantangin ang Rain or Shine, 107-105 sa ikalawang laro. Pinatunayan ng Northport na may buhay pa ang tropa kahit wala na ang serbisyo ni Stanley Pringle.

Bagsak sa 21 puntos na paghahabol patungong huling yugto, utay utay na gumapang ang Northport at kinailangan ang lumalagapak na tres buhat kay Robert Bolick para puwersahin ang overtime, 100-all.

Sa ekstrang minuto, umagapay ang Batang Pier kay Mo Tautuaa at rumampa ng todo ang brusko, kabilang na ang clutch three upang magawang humiwalay sa ROS para tuluyang selyuhan ng koponan ang ikatlong sunod na panalo.

Mga Iskor:

NLEX 100 - Mitchell 32, Cruz 16, Galanza 13, Paniamogan 8, Quinahan 7, Erram 7, Ighalo 6, Varilla 4, Lao 4, Tiongson 3, Paredes 0, Soyud 0.

Meralco 91 - Lawal 15, Newsome 14, Salva 14, Amer 13, Canaleta 10, Jackson 6, Pinto 6, Almazan 5, Caram 4, Faundo 2, Hodge 2, Hugnatan 0, Quinto 0.