Cavitex kapit-tuko sa ituktok,  ibang teams rambulan sa 'GF'!
PBA

Cavitex kapit-tuko sa ituktok,  ibang teams rambulan sa 'GF'!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
 Wagayway ang back-to-back leg wins, namentina ng Cavitex Braves ang itaas   sa PBA 3x3 Season 3 First Conference team standings na may 410 tour points sa limang saknong.
 
Napanatili ng tropa ang  kanilang tagumpay noong nakalipas na linggo, kung saan nahablot ng Braves ang Leg 5 title  nang lusawin ang Pioneer Elastoseal, 22-10, tungo sa pagtala ng maximum na 100 puntos mula sa dalawang araw na kompetisyon at makalipat  sa striking position para sa top seeding sa grand finals .
 
May isang yugto na lang na pagtatalunan  bago ang conference championship, hawak ng Cavitex ang 82-point lead laban sa Barangay Ginebra (328).
 
Napanatili ng Gin Kings, ang nag-iisang nagwagi sa dalawang leg ng kumperensya, ang kanilang pagkakahawak sa No. 2 kasunod ng kanilang podium finish sa Leg 5.
 
Napanatili ng Leg 3 ruler na TNT Triple Giga ang kanilang kapit  sa ikatlong overall na may 290 puntos habang umakyat ang Meralco Bolts sa No. 4 na may 285 puntos matapos mangitlog sa ikalima.
 
Sa tatag ng kanilang runner-up finish sa penultimate leg, ang Katibays (260 points) ay umangat ng dalawang puwesto hanggang ikalima sa unahan ng San Miguel Beermen (258), na ang nakakadismaya na ika-10 puwesto sa Leg 5 ay humila sa kanila pababa ng dalawang puwesto. 
(Louis Pangilinan/PBA)