Tinupad ng Blackwater ang challenge ni coach Jeff Cariaso para tapusin ang kampanya sa PBA On Tour tungo sa pagposte ng 101-78 win kontra TNT Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Ang beteranong guard na si JVee Casio ang namuno para sa Bossing sa paggatilyo ng 14 sa kanyang game-high na 18 puntos sa second half at tuluyang iwanan ang Tropang Giga.
Si Casio ay tumipak ng 4-of-8 mula sa three-point range, habang nakasandig ng ibayong suporta mula sa nalalabing alipores ng Bossing, na may anim pang players na nagtapos ng double figures.
Ang 23-point win ay ang una para kay Cariaso bilang mentor ng Blackwater mula nang akuin niya ang puwesto sa tropa sa preseason noong nakaraang linggo.
"I'm happy with the way the guys came out, mentally strong. Whatever I asked, binigay naman nila. So I'm proud of them for that," saad ng Bossing mentor .
"The challenge for the guys was to go on a break on a winning note. And it doesn't matter what the situation were in, it doesn't matter kung sino ang kalaban, anong games whether its PBA On Tour or a regular conference."
Nagtapos ang Bossing na may kaparehong rekord ng Meralco Bolts sa 7-4, ngunit nasungkit ang ikatlong puwesto sa pamamagitan ng winner-over-the-other rule. Tinalo ng Blackwater ang Meralco noong Hulyo 14 (89-82).(Louis Pangilinan/PBA)
Iskor:
Blackwater (101) - Casio 18, Digregorio 15, Ular 11, McCarthy 11, Rosario 11, Suerte 10, Ayonayon 10, Ilagan 7, Escoto 4, Publico 4, Banal 0.
TNT (78) - Khobuntin 14, Tungcab 13, Cruz 11, Marcelo 8, Cuntapay 8, Heruela 7, Montalbo 7, Alfaro 6, Varilla 2, Ganuelas-Rosser 2, Reyes 0, Jopia 0.
Quarterscores: 32-21; 51-43; 80-55; 101-78.