Ginkings Pinaluhod ang Dragons sa G7
PBA

Ginkings Pinaluhod ang Dragons sa G7

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Suwabeng naisakatuparan ng Barangay Ginebra ang puntiryang misyon nito na mapabagsak ang  dayuhang pagsalakay na tropa makaraang maikasa ang isang pragmatikong panalo, 114-99 kontra  Bay Area at mabawi ang PBA Commissioner's Cup sa harap ng rekord na 54,589 fans  sa Philippine Arena, Bocaue,  Bulacan Linggo.
 
 
Isang masigabong tanawin sa mala-epikong  venue, kung saan ang Gin Kings ay sumisigaw na tulad ng hindi nila nagawa noon nang makumpleto nila ang isang title run na nagbabadya ng tagumpay hindi lamang para sa prangkisa kundi sa buong home front.
 
At sinigurong maisagawa ng Kings ang mas espesyal na sandali sa  umpukan ng mahigit 54,000 na nagdiriwang kasama ng kanilang mga ipinagmamalaking  bayani ng tropa sa paggiba sa isang guest team para sa isang do-or-die war.
 
 
"Fifty-four thousand! Fifty-four thousand! Fifty-four thousand!" 
palahaw ng coach ng Ginebra na si Tim Cone bago pinamunuan ang lahat sa pag-awit ng "Ginebra! Ginebra! Ginebra!" sa gitna ng parangal. 
 
 
Nakahambalang sa mid court matapos tuldukan ang kanyang ika-25 kampeonato sa PBA -- ikapito sa Ginebra -- kinilala ni Cone ang mahusay na pagsisikap ng kanyang mga alipores at ang kamangha-manghang enerhiya na nakuha nila mula sa suporta ng Barangay fans.
 
"From the opening tip, we feel the energy. It was truly from all of you [addressing the crowd), and it was amazing, it was great," sambit ni Cone.
 
Dahil sa katunayang nasa likod ang kanilang "Sixth Man", lumabas ang tunay na kulay ng bagong naturalised Pinoy na si Justin Brownlee at ng kanyang mga katropa sa paglatag  ng walang humpay na pagtitiyaga para balian ng pakpak ang pambatong si Myles Powell at ng Bay Area na koponan para desisyunan ang naturang serye. 
 
"I'm just happy to do it in front of this crowd," litanya ni Brownlee, na 
napanatili ang perpektong rekord (6-of-6) sa PBA finals, nagpako ng una ilang araw pagkatapos maging isang lehitimong Pilipino.
 
 
Lumaklak si Brownlee na may 34 points, 12 assists at walong rebounds sa Last Tango habang nakakuha ng solidong suporta mula sa halos lahat kabilang sina Jamie Malonzo, Christian Standhardinger, LA Tenorio, Japeth Aguilar at Scottie Thompson.
(Louis Pangilinan/PBA)
 
 
Iskor:
 
Barangay Ginebra 114 – Brownlee 34, Malonzo 22, Thompson 18, J. Aguilar 14, Standhardinger 12, Tenorio 10, Pringle 3, Gray 1, Pinto 0, Mariano 0.
 
 
Bay Area 99 – Powell 29, Blankley 25, Liu 17, Lam 13, Yang 10, Zhu 5, Ewing 0, Ju 0, Song 0, Reid 0.
Quarters: 27-21; 61-39; 95-74; 114-99.