Last trip sa playoff naipinta ng Elasto Painters kontra Road Warriors,110-100

Last trip sa playoff naipinta ng Elasto Painters kontra Road Warriors,110-100

PBA

Last trip sa playoff naipinta ng Elasto Painters kontra Road Warriors,110-100

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Pinalawig pa ng ng Rain or Shine ang unang komperensiya sa post elims play sa ilalim ng nagbabalik na coach na si Yeng Guiao.

Winasak ng Elasto Painters ang bahagi ng NLEX na naglalaro nang may maikling rotasyon para masungkit ang 110-100 panalo at maisampa ang huling puwesto sa playoff ng PBA Commissioner's Cup Linggo sa PhilSports Arena sa Pasig.

Sa balansyadong minuto, sinagasa ni Ryan Pearson at ng kanyang katropa ang Road Warriors na humiwalay sa pagtatapos patungo sa pag-set up ng quarters showdown sa Bay Area Dragons.

"Before the game, ang sabi ko it's about wanting it more. The guys proved they wanted it more, at malaking bagay sa amin ito," sabi ni Guiao.

"Tatlong conference, hindi umabot sa quarters ang team. Nakabalik kami kahit mahirap ang conference, and we find it meaningful," ani pa Guiao. "Ngayon lang kami nagkasama-sama and we take it (entering the quarters) as a blessing."

 

Kumolekta si Pearson ng 24 puntos at siyam na rebounds bago umupo sa huling dalawang minuto dahil sa nasundot na mata, tapos pinangunahan ni Andre Caracut, na may 19, ang anim na locals na nagdagdag ng double-digit na outputs habang kinumpleto ng Rain or Shine ang playoffs cast.

Ang Elasto Painters ay sumama sa Bay Area, Magnolia, Barangay Ginebra, Converge, San Miguel Beer, NorthPort at Phoenix, habang ang Road Warriors ang huling nalaglag sa elims, na maagang lumabas kasama ang Terrafirma, Blackwater, TNT at Meralco.

Bilang nangungunang dalawang seeds, ang Dragons at ang Hotshots ay nagtatamasa ng twice-to-beat na bentahe laban sa Elasto Painters at sa Fuel Masters, ayon sa pagkakasunod. Magsasagupa sa best-of-three pairings ang Gin Kings laban sa Batang Pier at ang FiberXers katapat ng Beermen.

Hindi naman bilib si Guiao sa mga ilusyon nitong makagaan sa mahirap na laban sa Dragons.

"Kahit anong gawing preparasyon, wala kang magagawa. Nasa kanila lahat ng advantage - height, import, locals. Maganda ang samahan nila kasi wala naman silang ibang gagawin dito. Ang lakas ng camaraderie, chemistry nila. Wala akong masabing strategy na itatapat sa kanila," sambit ni Guiao. (Louis Pangilinan/PBA)

Iskor:

Rain or Shine (110) - Pearson 24, Caracut 19, Nieto 12, Santillan 11, Nambatac 10, Borboran 10, Mamuyac 7, Asistio 5, Norwood 3, Ponferrada 1, Ildefonso 0, Torres 0.

NLEX (100) - Clark 37, Trollano 15, Alas 13, Chua 12, Ganuelas-Rosser 9, Nieto 6, Miranda 3, Varilla 2, Rosales 0.

Quarterscores: 31-27; 51-43; 80-75; 110-100.