Kings nilatigo ang FiberXers, 115-96

Kings nilatigo ang FiberXers, 115-96

PBA

Kings nilatigo ang FiberXers, 115-96

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
 
Ikinandado ng Barangay Ginebra ang   ikatlong puwesto habang bukas ang posibilidad na makahirit sa pangalawa sa bisa ng 115-96 paghampas sa Converge sa penultimate play date ng PBA Commissioner's Cup sa PhilSports Arena nitong  Miyerkules.
 
Sa balansyadong laro mula sa kanilang core rotation, nanguna ang Gin Kings sa FiberXers sa isang virtual playoff para sa ikatlo, nagtapos sa 9-3 laban sa 8-4 na kartada ng huli.
 
Pagkatapos ay may tinatanaw pa ring   oportunidad  para sa Ginebra na saklitin ang pangalawang puwesto at ang krusyal na twice-to-beat na insentibo sa quarterfinals.
 
Pero mangyayari lang iyon kung matalo ng Rain or Shine (5-6) ang Magnolia (9-2) sa huling laro ng single-round-robin elims sa Biyernes sa parehong playing venue.
 
Kung hindi, ang Hotshots ang magiging pangalawang seed sa likod ng top-seeded Bay Area Dragons, na tatangkilikin ang win-once bonus laban sa dalawang lowest seeds sa quarterfinals. 
 
Sa senaryo na ito, ang Kings ay itatapon sa isang best-of-three quarterfinals showdown laban sa sixth seed.
 
"We're No. 2 or No. 3. (Rain or Shine) coach Yeng (Guiao) may pull of something on Friday, and we will be cheering for them," sambit ni Ginebra coach Tim Cone.
 (Louis Pangilinan/PBA)
 
Iskor:
 
Barangay Ginebra 115 – Brownlee 25, Malonzo 17, J. Aguilar 16, Tenorio 14, Standhardinger 13, Thompson 9, Pringle 9, Gray 7, Pessumal 3, R. Aguilar 2, Mariano 0.
 
 
Converge 96 – Arana 23, Miller 16, Melecio 12, Ilagan 11, Stockton 10, Teng 10, Tratter 6, Tolomia 4, DiGregorio 2, Racal 2, Browne 0, Ambohot 0.
 
Quarters: 25-23; 56-48; 84-75; 115-96.