Magnolia tinumba ang Meralco, 108-96

Magnolia tinumba ang Meralco, 108-96

PBA

Magnolia tinumba ang Meralco, 108-96

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Sinandigan ng Magnolia ang mapangwasak na third quarter na atake para talunin ang Meralco, 108-96, Linggo at pinagarbo ang kanilang pasada para sa outright top two finish sa PBA Commissioner's Cup eliminations sa PhilSports Arena.

Umiskor si Paul Lee ng 11 sa kanyang team-high 27 puntos sa third sa pagmando sa balanseng pag-atake sa magkabilang dulo ng laruan na nagbigay-daan sa Hotshots na malampasan ang Bolts, 47-23, at kumuha ng 93-74 bentahe sa ikaapat na canto.

 

Hindi rin nakahadlang ang foul trouble ni import Nico Rakocevic sa punto ng Magnolia dahil inihasik pa nito ang kalamangan sa 21 puntos ng dalawang beses bago madaling nasawata ang attempts ng Meralco na makapiyok.

 

Matapos mailagay sa likuran nila ang 89-95 pakatalo sa Bay Area noong Nob. 19 at iniusad sa 9-2 record, kailangan na lang ng Hotshots na manaig sa Rain or Shine sa Biyernes para maikandado ang No. 2 sa likod ng Dragons at masungkit ang huling panalo-isang beses na kalamangan sa quarterfinals.

"Our destiny is in our hands," sabi ni deputy coach Jason Webb, na temporaryong humalili para kay head coach Chito Victolero sa post-game presser. (Louis Pangilinan/PBA)

 

Iskor:

 

Magnolia 108 - Lee 27, Abueva 17, Rakocevic 16, Jalalon 12, Sangalang 11, Barroca 11, Dela Rosa 6, Ahanmisi 3, Reavis 2, Corpuz 2, Laput 1, Wong 0, Dionisio 0.

Meralco 96 - McDaniels 32, Black 16, Quinto 14, Banchero 11, Johnson 9, Almazan 8, Caram 2, Hodge 2, Pascual 2, Maliksi 0, Hugnatan 0, Pasaol 0, Jose 0.

Quarters: 27-21, 46-51, 93-74, 108-96.