Fuel Masters binugahan angTerrafirma Dyip, 135-84

Fuel Masters binugahan angTerrafirma Dyip, 135-84

PBA

Fuel Masters binugahan angTerrafirma Dyip, 135-84

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Balik wisyo  ang Phoenix Super LPG, nang walang patumanggang pinausukan ang  Lester Prosper-less Terrafirma Dyip,  135-84 at mahatagan ng ibayong asiste ang PBA Commissioner's Cup quarterfinal drive nito Sabado sa PhilSports Arena.
 
Sinulit ang pagkakataon laban sa isang Dyip crew na walang Prosper (may protocol sa kalusugan), ginatungan ng Fuel Masters ang 67-30 arangkada pagkatapos ng dalawang quarters - ang ikalimang pinaka-tagilid na first-half sa kasaysayan ng liga - upang lutuin ang one sided match. 
 
 
Sa pagsira sa tatlong larong skid nito, tinapos ng tropa ni Topex Robinson ang elims na may pantay na 6-6  rekord, para sa ikaanim na puwesto sa ngayon at posibleng kahit isang playoff para sa Last-8.
 
"Right now we don't know where we're gonna be at the end of the eliminations but what's important for us is to get the players on the same page all the time," sambit ni Robinson.
 
 
Sa anim na Ws, tangan ng Phoenix ang kalamangan laban sa chase pack tulad ng five-win holder na San Miguel (5-5) at Rain or Shine (5-6) at four-win carders Meralco (4-5), NLEX (4- 7) at TNT (4-7) paruta sa mga huling laro ng elims.
 
What's good about this is we're in a better place," saad ni Robinson,  matapos tapusin ang isang roller-coaster elims na nakita nilang natalo ang kanilang unang tatlo, manalo sa kanilang susunod na lima, pagkatapos ay bumagsak sa susunod na tatlo bago isara na may 51-puntos na pagratrat. 
 
"We don't really know at this point (the final positioning). We don't have control on who we're going to face next. But we have total control of our team and so it's really continuing to grow and learn," aniya pa.
 
 
Bumatak din sina RR Garcia (20), Encho Serrano (17), Kaleb Wesson (17), Jason Perkins (16), Kurt Lojera (11) at Sean Manganti (10) ng balanseng pag-atake para asistehan ang Phoenix sa panalong ito sa franchise-recording.
 (Louis Pangilinan/PBA)
 
Iskor:
 
Phoenix 135 - Garcia 20, Serrano 17, Wesson 17, Perkins 16, Jazul 14, Lojera 11, Manganti 10, Tio 9, Mocon 8, Muyang 8, Anthony 3, Camacho 2, Adamos 0, Rios 0, Pascual 0.
 
Terrafirma 84 - Munzon 12, Camson 11, Mina 10, Alolino 9, Javelona 9, Gomez de Liano 8, Tiongson 7, Ramos 7, Gabayni 6, Cahilig 5, Grospe 0, Balagasay 0.
 
Quarters: 26-13, 67-30, 107-61, 135-84