Fuel Masters hinila ang panalo sa limang laro,usad sa 4th place
PBA

Fuel Masters hinila ang panalo sa limang laro,usad sa 4th place

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Nalustay ng Phoenix Super LPG ang 17-point ratsada pero nagawang iwasiwas pa ang TNT Tropang Giga sa huli,  at mamentina ang matinding pagrampa sa paglista ng 91-88 panalo sa  PBA Commissioner's Cup Linggo sa Ynares Sports Center sa Antipolo.
 
Ipinagpatuloy ni import Kaleb Wesson ang kanyang presensiya sa loob at matikas naman ang ipinamalas ng bagitong brigada ng  Phoenix para bigwasan ng Fuel Masters ang Tropang Giga tungo sa kanilang panglimang sunod na panalo matapos ang kanilang 0-3 start.
 
 
Ginatilyo ni Encho Serrano ang 16 points, kabilang na ang  go-ahead charity split, 89-88, habang si Tyler Tio ay may anim na puntos apat na rebounds at tatlong steals, at higit na mahalaga tinubog ang pressured-packed free throws na humila sa kanilang kaungusan sa tatlo may  2.6 segundo na lang. 
 
Nakapaglatag pa ang TNT ng isang pinal na opensiba sa hangaring mapuwersa ang ekstrang limang minuto sa aksiyon, pero nagmintis si Cam Oliver, na kalauna'y sustenado ng Phoenix ang pumaitaas sa isang ariba hanggang sa ikaapat na puwesto. 
 
Nabigo ang Tropang Giga na manatiling nakasindi ang apoy ng kanilang rally mula sa 17 puntos na paghahabol na dumanas ng krusyal na pagkakamali sa huli at namnamin na lang ang 3-4 kartada. 
 
 
Sina Calvin Oftana, Roger Pogoy at Oliver ang may laksang ginatilyo sa scoring kung saan ang team ay napagpasyahan wag nang paglaruin si Mikey Williams dahil sa wala sa kanilang practice at hindi nagpaalam nung Sabado. 
 
Pumutok si Oftana ng pitong  three-pointers at sa kabuuang  27 markers bagamat may dalawang  turnovers sa endgame na naging mabigat para sa kanilang adhikain. (Louis Pangilinan /PBA) 
 
 
Iskor:
 
Phoenix 91 - Wesson 23, Serrano 16, Mocon 13, Jazul 12, Lojera 6, Camacho 6, Anthony 6, Tio 4, Pascual 3, Muyang 0, Manganti 0, Rios 0, Garcia 0, Robles 0.
 
TNT 88 - Oftana 27, Pogoy 22, Oliver 20, Khobuntin 8, Castro 6, Montalbo 3, K.Williams 2, Heruela 0, Alejandro 0, Erram 0, Macelo 0.
 
Quarters: 17-7, 47-38, 74-71, 91-88.