Fuel Masters siniklab ang ika-3 sunod na panalo, pang-apat na talo ng Meralco 

Fuel Masters siniklab ang ika-3 sunod na panalo, pang-apat na talo ng Meralco 

PBA

Fuel Masters siniklab ang ika-3 sunod na panalo, pang-apat na talo ng Meralco 

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
 
Naitala ni Kaleb Wesson ang bagong career-high 23 points at ikomando ang Phoenix Super LPG sa kanilang malalintang depensiba sa pagpundi kontra Meralco, 89-82, Miyerkules sa PBA Commissioner's Cup sa PhilSports Arena.
 
Kinaldag din ni Wesson ang team-high 13 rebounds at nakahugot ng maraming ayuda mula sa mga lokal sa pamumuno ni Tyler Tio at Encho Serrano diretso sa pagsalansan ng Fuel Masters sa kanilang pangatlong sunod na panalo matapos simulan ang  mid-season conference na may tatlong sunod na talo.
 
"It's great, going .500. That's a huge strength for us going to the next game," sambit ni Wesson, na may magilas ding trabaho para isawata ang  Meralco import Johnny O'Bryant, na kaswal na may  29.8 points na tinuklaw sa kanyang  2-of-17 shooting at tanging pitong puntos, bukod pa sa anim na turnovers.
 
"With a great player like that, his scoring ability, you know he's gonna score the ball," pahayag ni Wesson. "So I feel that as a team we did great defending him, showing him different looks, making sure that every shot he took is well-contested. Just a testament to our team and how much we focused on defense today."
 
Para kay Phoenix coach Topex Robinson, ang kanilang mga tagumpay ay reward ng kanyang tropa sa matinding isinasagawang ensayo at sa aktuwal na laro kung saan pinaranas ng Fuel Masters ang i-harass  Bolts sa kabuuang  23 turnovers bilang pinakahuling pruweba.
"Winning is the by-product of what we're doing," sambit ni Robinson.(Louis Pangilinan/PBA)
 
Iskor:
 
Phoenix 89 - Wesson 23, Tio 14, Serrano 14, Jazul 12, Mocon 10, Anthony 6, Robles 2, Lojera 2, Lalata 2, Garcia 2, Adamos 2, Camacho 0, Muyang 0, Rios 0, Pascual 0.
 
Meralco 82 - Quinto 22, Black 14, Maliksi 13, Hodge 7, O'Bryant 7, Almazan 6, Caram 6, Pasaol 5, Jose 2, Pascual 0, Hugnatan 0.
 
Quarters: 24-22, 47-38, 76-63, 89-82.