Brownlee ng Ginebra binugahan ng 46 pts ang Dragons, 111-93

Brownlee ng Ginebra binugahan ng 46 pts ang Dragons, 111-93

Brownlee ng Ginebra binugahan ng 46 pts ang Dragons, 111-93
PBA

Brownlee ng Ginebra binugahan ng 46 pts ang Dragons, 111-93

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Ipinangalandakan ni Justin Brownlee na isa siya sa mahusay na import sa kawadra ng Barangay Ginebra at lagi niya itong ipinapamalas ng todo sa lahat ng pagkakataon.

Ipinutok ni Brownlee ang nagliliyab na 46 points, kabilang na ang 17 sa kanilang third-quarter breakaway diretso sa 111-93 pagbalibag kontra Dragons, at nagpalusaw sa buenamanong tirada sa PBA ni NBA veteran Andrew Nicholson.

Naging mainit ang mga kamay ng five-time PBA champ at two-time Best Import awardee sa kanilang pagbalik buhat sa halftime huddle, kaakibat ang 35-18 third-quarter pasabog na bumasag sa laro para sa 85-66 - karugtong sa inilatag na kanilang pagdiskaril sa dating walang talong oposisyon.

Madali pa sanang mailagak ni Brownlee ang 50-point arangkada pero ipinagpahinga na kung saan ungos na sa 100-77 may higit na limang minuto na lang ang ilalaro ng tropa.

Ngunit sapat na para pasayahin ang Ginebra crowd sa pagdala sa Kings (2-1) sa ikalawang sunod na panalo habang pinutol ang dila ng pagbuga ng Dragons sa four-game streak.

Nag-ambag si Jamie Malonzo ng 17 points, naghatag si Christian Standhardinger ng double-double na 11 markers at 10 rebounds, ai Scottie Thompson ay bumatak ng 11 boards at ang iba pa'y responsable sa malupit na depensiba para gapusin ang Dragons sa ilalim ng three-digit output sa unang pagkakataon sa kanilang kampanya sa PBA Commissioner's Cup.

"That's certainly the best part of what we did tonight - playing defense," sambit ni Ginebra coach Tim Cone.